"Salamat nurse.." Sambit ko bago ako inalalayan nina Eymie at Meredith sa paglabas ko sa clinic.
Saktong dismissal nga nung pinalabas nila ako (sa wakas.) Maraming estudyante sa paligid na mukhang mga haggard.
"Hayyyy ang hirap ng test!"
"Oo nga! Sira pa nga yung ulo ko, sinira naman ulit ng tests haha!"
"Naku okay lang sigurong bumagsak ako.. okay lang si mommy eh."
"Buti kapa."
"Buti last day ngayon.."
"Sige punta tayo sa entertainment hall! Chibugan na'to!"
Marami pa akong narinig tungkol sa tests. Masasaya ang naging mga reaksyon nila.
Kinuyom ko ang mga kamay ko.
Sayang ang grado ko. Sana may special exam akong itetake para fair naman ako sa iba. Nasaktan pa nga ako, zero pa sa exams.
Ang galing! Pucha! Kung makikilala ko yung may gawa nito sa akin, mapapatay ko siya!
"Alam mo Diana, ang hirap talaga ng tests." bumuntong-hininga si Eymie, "Sana manlang makatake kapa."
Exactly!
"S-salamat.."
Lumiko kami sa hallway. Ang dami talagang estudyanteng nagkukumpulan.
"Aweee tignan mo Diana, ang cute ng doggie oh!" turo ni Eymie doon sa isang puting lobo na--
T-teka.. isang puting lobo! Sabi doon sa liham ay kailangan ko itong sundan!
The students made a way to this white wolf na papunta sa direksyon ko. Parang nagbibigay sila ng respeto sa kanya? Ewan. Base kase sa reaksyon ng mga mukha nila, parang gulat na natatakot. May ilan nga na parang dumidikit na sa pader dahil sa takot na baka bigla itong sumugod kung lalapit sya!
It's not giving respect at all! Takot sila!
I saw Meredith stopped walking. Mukhang nagulat din sya sa nakikita nya.
Dapat sundan ko na ang lobo. Para kay Zean.
"A-ah, Eymie, Meredith, una na ako--"
Hinila ni Meredith yung kamay ko, dahilan sa pagkakalayo ko sa lumalapit na puting lobo.
"Meredith!" Saway ko sa kanya. Wala paring reaksyon ang mukha nya.
"Meredith? B-bakit?" Nauutal na tanong ni Eymie.
Bigla syang tumigil at galit syang humarap sa'min. "Kilala nyo ba kung sino ang lobong yon?!"
I gulped. Ngayon ko lang siyang nakitang nagkakaganito. Umiling kami.
"Tara muna sa dorm." at hinila nya ulit kami.
Pagkarating namin sa dorm ay takang-takang tumingin sa'min ang Zeroes (wala si Zean). Dumerecho si Meredith sa kwarto at agad nyang nilock ang pinto.
Nakita kong natutulog si Pringles sa baba ng kama ko. I just smiled.
Nagpupumiglas si Eymie. "Ano ba Mere--"
"Kilala nyo ba kung sino yon?" Malakas nyang tanong.
"Ano ba!" Angal ni Eymie, "Tanong ka nang tanong hindi nga namin alam! Puting lobo lang yun!"
Bumitaw na si Meredith sa pagkakahawak nya sa'min. Bumuntong hininga sya.
"Pasensya na."
"Sino ba kasi yun?" tanong ko. Ngayon lang talagang nagkakaganito si Meredith. Wala nga syang reaksyon sa mukha pero halata sa boses nya na takot din sya gaya ng mga estudyante kanina.
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020