Twenty Seven.

59 6 0
                                    

"Mag-ingat pala kayo."

Then I heard the doors close behind us.

Kumabog bigla ang dibdib ko nung nakita ko si Zean na mahimbing na natutulog. Meron parin syang mga itim kaliskis sa kanyang braso at sa giliran ng kanyang mga mata.

"Umaga na ah? B-bakit ganyan parin ang mukha nya?" Nanginginig na sambit ni Nate sa giliran ko. Parang lumamig bigla. Shet may kakaiba akong nararamdaman ngayon.

"Ganyan lang talaga si Zean pagkatapos ng full moon. He cant recover that easily." Ani Berthud.

Nanlaki ang mga mata ni Eymie kay Zean. Mukhang napako sya sa kinatatayuan nya, halatang hindi makapaniwala sa nakita nya.

Ganyan din ako nung una ko syang nakitang ganyan. What would you do if you see a monster in person?

"Okay lang yan, Eymie." Malambing na sabi ni Coshar sa kanya.

Nilapitan namin si Zean na nakakadena parin.

"Innocent devil." Rinig kong bulong ni Ike. I sighed.

Akmang hahawakan ko sana ang braso ni Zean nung hinatak ako ni Berthud palayo.

"Gusto kong tignan ang temperatura nya, Berthud!"

"Trust me, that wont work!" Angil nya, "Mag-ingat ka!"

Humakbang sila palayo. Mas lumapit pa ako sa gawi nya at hinawakan ang kanyang braso.

Zean's eyes suddenly opened. Hindi na ako nakaatras dahil hinawakan nya bigla ang leeg ko. He was gritting his teeth, showing those sharp teeth I never saw before.

"Zean!"

Tumingin ako sa mga mata ni Zean. His other eye looks normal but his other eye.. that red eye. Mukhang gusto na nya akong patayin sa kalagayang ito.

Pilit akong hinila ni Berthud palayo pero agad din naman syang nadamay. Zean almost bit him.

Akala ko ganon din ang turi ni Zean sa'kin, na gusto ding kainin. Pero hindi. He seems mad at my presence. Real mad.

Walang nakaawat sa iba pang miyembro hanggang sa naglabas ng kapangyarihan si Coshar at Nate. Pumagitna sa'min ang yelo ni Coshar samantalang malumanay naman akong inilayo ng hangin ni Nate.

"Thanks Cosh, Nate." Pasalamat ni Berthud sa kanila. Tumango lang sila.

Matalim akong tinignan ni Berthud. "Sabi ko sayo--!"

"Alam ko!"

He sighed, "Alam kong nag-aalala ka kay Zean pero hindi muna ngayon!"

Bago kami lumabas sa forbidden section ay may pinaalam sa'min sina Dos at Tres.

"Sa susunod, mag-ingat kayo sa iyong pagpasok dito." sabi ni Dos.

"Hindi basta-basta ang parusang ipinataw sa inyo kung mahuhuli kayo." sabi naman ni Tres.

Napatango naman kaming lahat. Mas nangingibabaw ang paghingi ko ng pasensya dahil malapit nang malagay sa panganib si Berthud. Napangiti lang ang dalawa bago kaming maingat na lumabas gamit ang singsing.

"Hoo! Ang ganda naman pala sa loob! Ang bait naman din pala nila!" Masiglang pangeechos sa'kin ni Eymie. Ngumiti naman ako.

"Oo naman. Sadyang mali lang talaga ang akala ng iba." Sabi ni Berthud sabay tingin sa mga naglalakad na estudyante. Hindi siya makatingin sa'kin.

Nakita kong napatingin naman ang iba sa kanya. Titig na titig ako sa kanyang jawline. Grabe. Ang sarap himasi--

TEKA ANO?

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon