(THIRD PERSON POV)
"Tignan mo sya mahal.. ang himbing ng tulog niya.." A woman in her mid-30's smiled at a baby sleeping in her crib.
She's undeniably beautiful. Honey blonde ang wavy nyang buhok. It nearly reached to her waists. Mala porcelana ang kulay ng kanyang balat--ang kanyang mukha'y hindi maitatago ang may pagka pormal ang tindig niya.
Her golden eyes were glimmering at her sleeping child.
A man beside her with brown, curly hair and sea-green eyes was also looking at the child. He has this broad, muscular body sculpture with a tanned skin--a basic tanned-Californian.
Hinaplos niya ang beywang ng asawa at binigyan siya ng isang halik sa balikat. Napangiti naman ang babae sa kalambingan ng kanyang nobyo.
These two are the arch-royalties of Celestria. Ang Hari at Reyna ay maligaaya sa araw na ito dahil kanina lang ay dumating sa kanilang buhay ang kanilang pinakamamahal na anghel.
It's Percival Wavelry and Demetrima Wavelry looking at their newly-born daughter, Diasra Taylor Wavelry.
"Magpahinga na tayo, mahal." Percival said in a husky voice. Tumango naman si Demetrima.
Magkayakap silang natutulog nang gabing yon hanggang sa may napaniginipan ang Reyna.
Nagising daw siya sa panaginip na ito.
Napatingin sya sa kanyang asawa na mahimbing na natutulog. Panaginip ba talaga ito o totoo syang nagising bigla?
A woman with transparent, golden flowing hair was looking at her in her gold eyes that even covered her whole cornea. Kunot-noong napatingin ang Reyna sa babae. She looks like a Greek goddess dahil sa suot niya. Nakapaa lang rin ito at may otoridad itong nakatungo sa gawi niya.
Naka-off ang ilaw ng kwarto nila, pero parang lumiliwanag ang buong katawan ng babae. May iilang gintong Sol ring lumilipad sa kanyang palibot.
Nakapatong ang mga kamay nito sa railing na nakatingin sa kahimbingan ng sanggol.
The Queen clutched her hands on her chests. She's examining this lady.
She looks ethereal.
"S-sino ka?"
Blankong napatingin ang lumiliwanag na babae sa Reyna.
"Ako ang pumepresenta sa araw. Ako ang namumuno sa langit--ang Espir. Ako ang buhay at hininga sa buong Celestria. Ako si Feli, kamahalan."
Nanlaki ang mga mata ni Demetrima nang masabi ng babae ang kanyang pangalan. Napayuko agad sya dahil hindi niya agad nakilala si Diyosang Feli.
"Patawarin niyo po ako sa aking kalapastangan, mahal na Diyosa."
"Halika rito, Reyna. Nawa'y pakinggan mo ako sa aking sasabihin, at pagmasdan mo ang aking gagawin."
The queen didn't refuse. Agad niyang tinabihan ang Diyosa.
Napatingin silang dalawa sa tahimik na paghinga ni Diasra. Lumalakas ang tibok ng puso ni Demetrima.
'Anong gagawin niya?' Tanong nito sa kanyang isipan.
"Siya ang napili kong supling." Sambit ni Diyosang Feli, "Siya ang ilalagay ko sa aking natirang pahina."
Kumunot ang noo ng Reyna, "Ano po ang ibig niyong sabihin?"
Iniwasiwas ng Diyosa ang kanyang kamay sa tapat ng sanggol.
May isang Sol na dumapo sa kamay ng bata. Biglang nakita ng Reyna ang gustong ipahiwatig ng Diyosa.
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantastikDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020