"Good job guys!" Rinig kong bati ni Mr. Parkingson sa boys. Papalapit ng papalapit na sila rito sa may dalampasigan kung saan namin napagplanuhan nina Eymie at Meredith na kumain. Malapit na ring gumabi at natatakot ako para kay Zean.
Habang wala sila kanina, kami yung nagset-up ng table. Si Pringles nga ang nagdala ng basket of fruits. Nakyutan ako dahil proof ito na hindi lang siya basta aso lang. He's a smart boy.
"Diana!" Tawag ni Coshar sa'kin. Kumaway lang ako habang naghahanda ng mga plato.
Narinig ko namang nag-"tsk" si Meredith nung unang umupo si Ike. Kinakausap niya si Mr. Parkingson at ang ibang cameramen. Sunod sunod namang umupo sina Coshar at Nate ngunit natira sina Zean at Berthud na lumapit sa'kin.
"Diana, may pabor ako. Please follow me." Ani Berthud na hawak-hawak si Zean.
Pumasok kami sa loob ng cottage at nilock ang pinto. Berthud started scrambling at his things na halatang nagmamadali. Halos nagkahulog-hulog na ang ibang mga gamit nila, as it created bunch of noises on the floor.
Nakita ko si Zean na nilalabas ang kakayahan niya bilang Terra prince. He's releasing vines para itali ang sarili niya. My knees started to shake.
Ngayon ko lang nakitang tense si Berthud. Samantalang ngayon ko lang din nakitang ginagapos ni Zean ang sarili niya.
Samantalang ako, nakatayo lang dito.
"A-ano ang gagawin ko?"
Berthud was getting some test tubes na mukhang may laman na vial, at pinaghalo ito sa iisang baso. Binigay niya ito sa'kin pagkatapos.
"Ipainom mo yan kay Zean. I'll be talking to Mr. Parkingson." Mabilis niyang tugon at lumabas na.
Zean was getting restless pero mukhang nakokontrol parin niya ang pagiging Pitch Dragonel. His other eye was turning black and red. I havent seen it in a while now.
"Faster.." Nangingilagid na sabi ni Zean. Jusko napepressure na ako.
I was shaking when I let him drink the unknown liquid. Pilit niyang inayos ang sarili niya para maubos ito. I heaved a heavy sigh when the glass was finally empty, dahil unti-unting kumakalma si Zean. Unti-unti niyang pinutol ang kanyang mga baging.
Mukhang yon ang potion na sinabi ni Zean sa'kin noong nasa detention kami, na para hindi siya makakapagtransform sa isang buong gabi.
I placed the glass on the sidetable of his bed. Akala ko doon na magtatapos ang buong kaba ko ngunit may isang bagay sa mesa na nagnakaw sa aking pansin.
It's a small clip na mukhang pambata. Dilaw ang kulay nito na may design ng araw. But regardless of what it looks like, mukhang pamilyar ito sa'kin at ewan ko kung bakit.
Kinuha ko ito at inexamine. The sun had a smiley face. Bahagya akong napangiti nito.
Lumingon ako kay Zean na nakatitig sa'kin. But there's something different from his stare.
He looks angry.
"Zean, what's this?" Tanong ko sakanya at pinakita pa ang clip.
Tumayo si Zean at marahas na kinuha mula sa'kin ang clip at binulsa ito. Galit siyang tumitig sa'king mga mata. It's been a while eversince nakita ko siyang ganyan.
"It's something you should never touch again. Get out."
---
Madaling araw na nung nagdecide ang driver na pauwiin kaming lahat. Halos kaming lahat nakatulog sa van except sa'kin. Hindi ako makatulog dahil sa nangyari kanina.
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020