Twenty one.

58 7 5
                                    

Pagkatapos ng recess ay History class na namin. Buti pa at nakaabot kami sa mga kaklase namin. Pinasa na namin ang aming mga assignments tungkol sa mga Golden at Pitch Dragonel.

Tinignan ko si Zean kung may assignment ba sya. Pinasa naman niya sa harap ang isang parchment, siguro assignment niya yun.

Bihira lang ang mga taong ganyan.. kahit pa absent ay nag-aassignment parin. Sa mundo natin, ang laging excuse sa mga walang assignment ay "Absent po kasi ako", ganern.

I looked at Zean's back and smiled timidly. Responsableng tao pala siya eh. Well, he's a prince, a Terra Prince. Dapat hindi na ako magugulat kung responsable sya diba?

Sa detention kagabi, feeling ko nagbago na ang pagtingin ko kay Zean.

I touched my arm and felt the part where he bit me. Wala na ang sakit, pero naaalala ko bigla ang mukha niya kagabi. It was filled with agony. Hindi talaga niya ginusto ang nangyari.

Nasasaktan ako para sa kanya. Kung ako kasi ang nasa lugar nya, napakahirap ang magpalit ng anyo kada gabi kapag natatamaan ka ng sinag ng buwan.

I concluded na hindi pala sya masama. He's just mean dahil sa "sumpa" sa pagiging Pitch Dragonel niya. He's just protecting us by being mean. Kung masyado kasi akong malapit baka masaktan niya pa ako.

No, he didnt wanna hurt anyone else too, kaya suplado siya.

Napabuntong-hininga ako sa gawi ni Zean at nakinig na lang ako sa bagong diskusyon ni Professor Vrigil tungkol sa mga Goblins at Elves.

---

It's been two hours since lunch at last subject na namin ngayon ang Charms.

"Mind Link ang matuturuan ko sa inyo sa ngayon. Dapat mag-eensayo kayo ng mga kaibigan nyo dito sa silid." Sabi ni Prof. Mary, "Ang mind link ay madaling magawan ng link sa makakausap nyo lalo a kung malapit kayo sa isa't isa."

"Professor," Tanong ng isa kong kaklase, "Ano po ang difference between Mind link and Mind reading? Naguguluhan po kasi ako eh."

Tumikhim si Professor Mary bago nagsalita, "Iho, ang mind link ay may salitang link. Kumbaga, kung gusto niyong makipag-usap nang tahimik sa mga kaibigan mo ay kailangan mong gumawa ng link sa isip nila. Nagagawa lang ang mind link sa mga Celestriang malapit sa'yo. Hinding-hindi magagawa ng isang chumgrul ang mind link. Di tulad ng mind reading na kailangan pa ng mahusay na pag-aaral para masanib mo ang isipan ng isang tao-- malapit man o hindi, chumgrul man o hindi. At, magiging krimen ang mind reading kapag humantong sa puntong nakokontrol mo na ang isip ng taong yon. Ang tawag doon ay brainwashing."

Tumango kaming lahat sa sagot ni Professor Mary. So parang madali lang aralin yung mind link kaysa't sa mind reading. Pero.. krimen?

"Krimen? Meron na po bang nakulong dahil sa mind reading?" tanong nya ulit.

Nakailang segundo pa bago sya nagsalita. "Oo iho. At yun ang mga alagad ni Lord Athed, ang mga Pitch. Nagawa nilang kontrolin ang mga isipan ng Golden noon. Nasa Carnavus silang lahat."

Tumahimik ang buong klase. Naalala ko yung diskusyon ni Professor Vrigil sa nakaraang buwan. Nabrainwash nila ang isipan ng mga mamamayan sa Celestria noon kaya maraming namatay sa War of Loss.

Mejo disappointed lang ako sa natutunan ko. Kung hindi madaling aralin ang mind reading, paano ko kayang masanib ang isipan ng mga taong may utang pa na impormasyon sa'kin?

Tulad nung kay Nikolas... gusto ko lang malaman ang nararamdaman niya para sa'kin. Haysss.

Naalala ko ang lahat na ginawa niya sa'kin. Pinaasa niya ako.. maraming beses na.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon