Sixteen.

58 7 0
                                    

"Goojob sa mabuti mong pag-eensayo Diana," Compliment sa'kin ni Kuya Dylan, "Kita ko ang pag-unlad ng kakayahan mo sa isang araw. Siguro sa mga susunod na PPD ay mas gagaling ka pa."

Gusto kong tumigil at gumulong dito sa lupa sa saya. Yes! Ang laki daw ng progress ko!

"Salamat po!"

Ngumiti si Kuya Dylan, "Galingan mo pa sa susunod ah? Sige, magpapaalam na ako Diana. Mag-ingat ka."

Nasa training grounds na kami at wala nang tao maliban kina Professor Gubblehur at Ate Zaye. Siguro bumaba na yung iba sa bundok.

"Sige po! Ingat ka rin!"

We waved goodbye at hinabol ko yung mga kaklase kong tumatakbo na pababa.

Kumpara sa paghike pataas, mas mabuti yung paghike pababa dahil madali ako nakarating sa kastilyo. Salamat ni Gravity.

Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama. Grabe! Nakakapagod talaga ang PPD!

Sana sa mga susunod na practice ay lalaki na yung level ko. Naalala ko kasi na kailangan below 50 yung level ko para makakalagda ako sa Log-in-and-out form sa paparating na Christmas Vacation. Gusto ko nang makita ang mga kaibigan ko, at ang pamilya ko.

At sa pag-iisip non, gusto ko nang saksakin yung sarili ko.

Wala na pala akong pamilya. Wala na sila.

"Hi Diana." Pumasok na sa loob si Meredith. Tinignan niya yung sarili niya sa salamin.

"Hello Meredith. Saan si Eymie?"

"Hindi ko alam." Yun lang ang tanging nasagot niya bago siya humiga sa kama niya.

We are all tired. Bakit ba kasing ginaganito kami ng mga professor? Napaka-intense talaga ng training!

Pagkalipas ng isang oras ay dumating na si Eymie. Hingal na hingal siya.

"Hayyy nakoooooooo," She sat on her bed, "Ang beastmode ng teacher namin! Pinatakbo kami fifty times sa buong grounds ng Serenity High!"

Ngumisngis ako nang mahina. Nasa Sorcerers si Eymie, pero hindi ko akalaing mabigat din yung physical training nila.

"Well, akyat baba kami sa bundok kada training namin."

"Buti pa sa inyo, bundok lang." She pouted, "Eh kami? Buong grounds talaga! Inakyat pa nga namin yung north tower! Shizzz!"

Sa sumunod na linggo ay partners pinartner kami ni Zean sa potions. Nakailang reklamo na ako kay Professor Snivel pero wala eh. Partners parin kami. Sa isang oras na Lab activity namin ay hindi ako umimik sa kanya.

Pagkalipas ng isang buwan ay ganito din ang mga reklamo namin kada pasok namin sa dorm pagkatapos ng PPD. Maraming reklamo, pero malaki ang inimprove naming lahat. Well ako? Alam ko na kung paanong gamitin yung espada ko. Alam ko na rin kung paanong gamitin ang element ko. Lagi akong kino-congratulate ni Kuya Dylan kapag napatumba ko ang espada niya. Kahit dalawang times lang yun nangyari, endless parin siyang nagbibigay ng compliments haha.

"Fight!" Ang sigaw ni Professor Gubblehur sa'ming dalawa ni Rose ay ang hudyat ng pagtunggali naming dalawa.

Isang buwan namin hinihintay ang araw na ito, na makalaban ang mga partner namin.

Gamit ang dalawang maikling sibat ni Rose, nagtagumpay siya sa pagsugat sa'kin sa kaliwang siko. Ngumisi ako sa kanya at pilit kong pinalipad ang isa niyang sibat using a powerful blow na natutunan ko kay Kuya Dylan. Her javelin fell on the ground pero hindi siya sumuko. Pinagpatuloy niya ang pagtumba sa'kin gamit ang natira niyang sibat. Using another blow, nasugatan ko siya sa pisngi.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon