Fourteen.

66 10 0
                                    

Bago pa namang magising sina Eymie at Meredith ay minabuti ko nang bumalik sa clinic. Buti na lang bumalik sa pagiging ballpen yung espada ko, or else iisipin nilang nakapatay ako ng tao kahit hindi, lol.

Nung nakabalik ako ay mahimbing parin silang natutulog sa kama. Umupo na lang ako sa sofa habang hinihintay ang pagsikat ng araw.

Bilib ako sa dalawang yon dahil hindi nila naramdaman ang lamig samantalang ako, nanginginig na sa sobrang ginaw. Minabuti kong kunin yung kumot sa kama at binalot ang sarili ko dito.

Pagkalipas ng dalawang oras ay nagising na sila. Nung una, nagtaka sila kung bakit wala ako sa kama.

"Ay, nandyan kana pala." Eymie rubbed her eyes, "Okay ka na ba?"

I stretched myself up. Grabe, dalawang oras kaya akong umuupo dito sa sofa, giniginaw.

"Maayos na ang pakiramdam ko. Salamat Eymie.."

"Balik na tayo sa dorm, mukhang giniginaw si Diana." sa pagkasabi ni Meredith non ay bumalik na kami sa Tower ng mga First Years at umakyat papunta sa dorm.

Habang papunta don ay naaamoy ko ang mainit na hot chocolate. Ewan ko ba kung hallucination ko yon pero..

"Eymie, Meredith.. can you smell?"

"Oo.."

"Oo naman, bakit?"

"Nasisinghap ko ang hot chocolate mula rito."

Tumigil kami sa paglalakad para masinghap din ni Eymie at Meredith ang naaamoy ko. Umiling lang si Meredith.

"Hindi ko naamoy.." tugon ni Eymie, "Siguro sira yung ilong mo bes."

"Hindi! Naaamoy ko talaga!" Sabi ko sabay singhap. Pero may naaamoy pa akong-- "Naaamoy ko rin ang sabaw!"

"Hay nako. Ewan ko sa'yo bes."

Nung nakarating na kami ay gising na din ang Zeroes.

"Uy, magandang umaga mga binibini." Bati sa'min ni Coshar.

"Binibini ka diyan, umayos ka nga!" Nambatok kaagad si Nate.

"Goodmorning!" buti na lang at si Eymie yung sumagot para sa'min.

"Girls, uminom muna kayo ng hot chocolate. Mukhang giniginaw kayo." Nakita kong nagtimpla si Berthud ng tatlong baso ng hot chocolate na kanina ko pang naamoy.

Napatingin sina Meredith at Eymie sa'kin bago nila tanggapin yung baso. Binigyan ko sila ng "sabi-ko-sayo-eh" look.

Nung naramdaman ko na yung init ng baso sa kamay ko ay agad kong nilagok ang hot chocolate. Grabe! Kanina pa kasi akong giniginaw. Lumabas pa ako kanina sa kastilyo para i-testing yung weapon ko.

Nakaupo lang si Zean sa sofa. Nakabalot ang buong katawan niya ng kumot habang nanonood siya ng T.V. Naalala ko yung sarili ko sakanya kanina.

Mukhang news ang pinapanuod niya.

"-- ang kasalukuyang temperatura ngayon sa buong Celestria ay 17 degrees celsius. Dahil ito sa snowstorm ngayon sa Ice Empire sa East Celestria kaya stay warm!" Masayang bulalas ng reporter.

"Zean, may niluto akong sabaw. For you." Nilagay ni Berthud ay sabaw sa small table sa harapan niya at umalis agad papunta sa sink.

So ito pala yung naamoy ko kanina huh?

"T-thanks..." mahinang sambit ni Zean sa kanya na halatang gulat.

Baliw talaga siya! Umalis nga yung tao, tsaka pa siya nagpapasalamat? Galing!

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon