Six.

86 11 0
                                    

Kaya pala. Kaya pala nagsitinginan sakin ang mga tao kanina kasi kasama ko ang prinsipe.

Gusto kong magtago at umiyak sa hiya. Sabi ko ngaba eh, may kakaiba sa apat na 'yon, hindi lang talaga ako marunong makiramdam kasi ang friendly nila masyado. Ni hindi nga obvious na isa pala siyang prinsipe eh!

"Why Diana? May problema ba?" Alalang tanong sa'kin ni Ate Zaye. Tumango nalang ako at sinabayan ko na ng ngiti para hindi obvious na gulat ako.

"You see, kanina kasi, there were rumors about you na kasama mo ang Zeroes. So seeing the both of you with Berthud a while ago was a confirmation."

Kahit hindi ko gustong magsalita, nagawa ko paring ibuka ang bibig ko, "Z-zeroes?" I blurted out.

"Ah, the name of their band," Hinihiwa ni Ate Zaye ang isang matabang steak, "They consist of five members. Zean, Berthud, Coshar, Nate and Ikeustus. Pero kani-kanina lang, wala si Zean kasi bilang leader ng banda at prinsipe sa aming kaharian, may mga dapat siyang asikasuhin." Bumuntong hininga siya, "Ah my dear brother.. He's too young to be stressed."

I choked. PRINSIPE DIN PALA SI ZEAN?

TSAKA,

KAPATID NI ATE ZAYE SI ZEAN? WHAT?!

Pasimple lang niyang sinabi na kapatid niya si Zean pero bakit bang sobrang gulat ko? Hindi ko pa nga siya kilala eh.

Ngayon, kausap ko ang isang PRINSESA. Okay? ISANG PRINSESA! Tapos ano ba ako para kausapin siya? Ang awkward kaya!

Randam ko na naman ang paninilisik na mata ng ibang estudyante. Shemayyy! Sino ba naman kasi ako para kumausap ng isang prinsesa? Nakakahiya!

"Para sa'kin Diana, normal lang ang reaksyon mo.." Natatawang sabi niya, "Newbies like you still have much to learn in here. Im sorry that I told you the truth too late. Nagulat ba kita?"

Bago ko sagutin ang tanong niya ay kumuha ako ng parfait at nagsimulang kainin ito. Ice cream lang kasi ang nagpapakalma sa'kin eh.

"Hindi naman po masyado..." Nahihiyang tugon ko. She giggled.

"Okay lang yan. I know you were startled," Aniya, "Anyway, I wanna let you know the background of my brother's friends.. kung okay lang sa'yo."

Tumango ako at ngumiti. Wala bang makakatangi sa alok ng isang prinsesa?

"Okay so here it goes," Simula niya, "My brother's real name is Zeanerphidus Bryen Avery. As you've known, leader siya ng banda nila at siya ang madalas na nagtutugtog ng piano. He plays the instrument's notes beautifully, really. Mas matangkad siya sa'kin, and based on the girl talks, he's handsome." She fixed a look on me na ikinahiya ko naman. Parang in-eexpect niya sa'kin na magkakagusto ako sa kapatid niya? Nope. Hindi. Hindi ko pa nga kilala eh

Pero siguro nga gwapo siya kasi ang ganda ng ate niya eh! "He's the prince of our kingdom, the Tierra o Earth. For you not to ask, he also belongs in our section. Alam kong gwapo siya. But there's one thing in his personality that you must hate."

"A-ano po yon?"

"Since you're classmates, it's for you to know," Sabi niya habang tumatawa, "Anyway, the next member is Berthud Fueshun Ki. Isa siyang half-korean, half-Celestrian. He is the prince of the Fire Kingdom, and he is the only child among his parents. In the band, he plays the guitar. He's super smart too. At higit sa lahat, friendly siya sa kahit kanino kaya marami ding nagkaka-crush sa kanya." Mahabang paliwanag niya.

'Friendly sa kahit kanino.'

Oo nga naman.

Pinaupo pa niya ako sa loob ng kanilang compartment kahit hindi dapat, kaya ayun, dorm mates na tuloy kami. Yun ang resulta sa pagiging friendly niya sa'kin.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon