Twenty Four.

56 6 0
                                    

Marami nang araw ang nakalipas simula nung nagtalakay kami tungkol sa Verja Potion. Sa pagkalipas ng mga arawng yon ay marami na akong napasukang away.

'Di ka halfblood noh?' naaalala ko yung nakangising mukha ng isang lalaking bully na kumorner sa'kin noong dalawang araw. Wala noon sina Eymie, Meredith at ang buong miyembro ang Zeroes.

Nandon silang lahat sa dorm.

Natakot ako dahil ako lang mag-isa. Hindi ako sanay na walang kasama.

'H-halfblood ako!' nakakuyom kong sambit, 'Papatunayan ko yan sa'yo!'

'Eh ano baka mo ang Verja Potion?' tawang-tawa ang iba nyang kasamang first years na mukhang tarantado din.

'Pucha ka!' sigaw ko nung sinubukan ko syang suntukin pero naunahan nya ako.

Mabilis akong bumagsak sa malamig na sahig. Dumaing ako sa may tyan ko. Ang sakit sakit!

Kay lalaking tao pero hindi sya marunong rumespeto sa isang babae! Bakla siyaaaa! Kasalanan ko ba kung hindi ko alam na umiinom ako ng Verja Potion? Kasalanan ko ba kung wala akong maalala? Konting respeto naman sa walang-alam!

Nagsimula nang manlabo ang paningin ko. Naramdaman kong sinipa nya yung tyan ko. Parang nasagasaan narin ako ng isang sasakyan dahil sa sakit.

Dalawang beses ako natamaan sa tiyan! Jusme!

'Ano, papatunayan mo paba yon sa'min?' tawang-tawa na sya sa kalagayan ko.

'Oo!' Pilit kong tumayo pero sinipa nya yung paa ko ng napalakas.

Natamaan yung likod ko sa pader. Pucha naman eh! Stone bricks pa naman yung pader dito!

Naramdaman ko na ang galit sa loob ko. Kumukulo na talaga ang dugo ko sa kanila! Gusto ko nang pumatay ng tao!

The anger literally heated me up sa puntong hindi ko naramdaman ang yelong unti-unting bumabalot sa kamay ko. Masakit man pero pilit kong umupo. Umiiyak na ako sa sakit na nararamdaman ko sa aking katawan.

'TUMIGIL KAYOOOOO!' Sigaw ko sa kanila nung nagtangka pa nila akong sipain. Narinig ko ang pagtama ng mga bloke ng yelo sa kanilang likod bago ko nakita ang isang puting lobo na lumapit sa'kin.

Yon ang naalala ko bago ako tuluyang nahimatay. Dalawang araw na akong nandito sa clinic. Ang masaklap pa, ngayon ang last day ng exams. Kahapon pa yun nagsimula.

Mas gusto ko pang magtake ng exam kaysa't magmuni-muni dito. Inaasikaso din ako ng nurse na parang bata. Walang ibang makakaasikaso sa'kin.

Oras pa kasi ng test ng mga kaibigan ko. Gusto ko nang tumayo para makalayo sa impyernong ito. Pero pano ba kasi? Hanggang sa ngayon, masakit parin yung bali ko sa paa.

Oo, sa lakas ng sipa ng lalaking yon sa paa ko ay nabali ito. Feeling ko nga Fuerza sya dahil malakas talaga yung sipa niya.

"Isang subo na langggg.." lambing ng nurse habang hawak-hawak yung kutsara na may lamang kanin at konting karne.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Mukha siyang manyak na nanay sa itsura niya.

"Ayoko na. Salamat."

She sighed, bringing the bowl outside the clinic. Humiga ako ng maayos sa unan para tignan ang nakailaw na fluorescent lamp.

Inangat ko yung kanan kong kamay para matabunan ang ilaw ng lamp. Hindi ko parin alam kung bakit nagyelo yung kamay ko nung araw na yon. Siguro nadala lang ako ng matinding galit kaya nagawa ko yon.. pero..

Bakit? Pwede namang tubig yung lumabas sa kamay ko, hindi yelo. Kung ganon para hindi na ako magtataka nang lubusan ngayon.

So dalawa na ang nakokontrol kong element ngayon? Paano yon nangyari? Parang napaka-imposible naman yun mangyari... Isa lang ang element na pwedeng makontrol ng isang Celestrian.

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon