Nineteen.

57 8 0
                                    

Kanina pa akong nakagapos dito. Wala na akong boses. Paos na paos na ako.

Ano'ng klaseng mahika kaya ito? Kahit ano'ng galaw ko, hindi talaga ako makawala. Hinayupak ang Kathrine na 'yon!

Bakit ba din kasi palda tong suot ko? Kinakati na yung mga binti ko.. Puchaaaa! Magbabayad siya!

I inhaled and exhaled. Inangat ko ang tingin ko sa taas. Gumagabi na.. siguro alas sais na. The days are shorter but the nights were longer.

Madilim na rito. Gugustuhin mo kayang magapos sa isang puno na may marami pang matatayog na puno sa paligid?

Saan kaya nila ako dinala? Sa gubat malapit sa campus? Patay na ako dito! Gabi na at siguradong may mga creepy na insektong gumagala rito, o di kayay mga werewolves, o vampires... Well, base naman yon sa mga movies na napanuod ko.

Pero iba ito eh! Nandito ako sa Celestria, at totoo ang mga creatures na gaya nila! Ayoko pang mamatay! Jusme!

"Tulong!" Sigaw ko ulit. Pilit akong pumiglas sa mahikang kumukulong sa'kin.

Bigla kong narinig ang kaluskos ng mga dahon sa malayo. Parang may tumatakbo.

There was a sudden chill in my spine. Lumalapit ang pagtakbo. Mamamatay naba ako?

There were loud crunching of leaves, at napatingala na lang ako dahil mula sa dilim, nakikita ko ang isang pares ng gintong matang tumitingin sa'kin.

Maliit lang ang kinalalagyan ng mata.

The golden eyes were illuminating, as if it were from an owl. Nung lumapit ito sa'kin ay gusto ko na lang suminghap.

It was a wolf? A husky? Ewan. Hindi ko nakikita ang diperensya sa dalawa. Basta ang asong ito ay mas malaki pa sa isang normal na aso.

Kumakawag-kawag ang buntot nito. It suddenly barked.

"Hi aso.." Nakayukong sabi ko sa kanya.

Wala na akong pag-asa. Paano ba ako sasalbahin ng isang aso? Wala naman itong kapangyarihan para ma-counter ang mahikang ginamit sa'kin ni Kathrine.

Tumahol ulit ang aso at lumapit sa'kin. I couldnt pat its gray and white fur.

The dog smelled me at tumahol ulit siya. Tumawa ako nang mahina.

"Oo na.. kanina pa akong nandito.." Sabi ko, "Mabaho na ako."

Tumahol ulit ang aso. Umupo siya at patuloy niyang kinakawag yung buntot niya. Hays, wala na talagang pag-asa. Hindi ako matutulugan ng isang aso.

"Aso.. alam mo.. ang sama ng mga tao sa'kin.." I smiled sadly to the dog, "Ginaganito nila ako dahil may kinuha ako sa kanila. Alam mo yun? Naiingit sila sa'kin dahil don. Kung tutuusin, mas makapangyarihan pa sila sa'kin, kaya nagagawa nila ito. Bakit ba aso? Masama na ba ako?"

I widened my eyes nung nawala na yung aso.

He turned into a guy. Puti ang buhok niya at nakasuot siya ng gray na robes na may satchel sa gilid niya. Mas matanda siya sa'kin, pero mukhang nasa 20's pa siya. Mejo round yung mga mata niya, kaya sobrang cute niyang tignan. Makinis ang balat niya. He is really pale white, pero bumagay ito sa mukha niya.

Lorrrrdddd! Gusto ko nang manatili rito! Bakit ba ang daming gwapo dito sa Celestria?

Naglahad siya ng kamay sa'kin.

"Ikaw si..?"

Tinanggap ko yung kamay niya at ngumiti, "D-diana.. po.."

"Diana?" Nanlaki ang mga mata niya. Mukhang nagulat siya sa pangalan ko, "Hayaan mo akong magpakilala sa'yo binibini. Ako si Vinheus, tagapagbantay ng kagubatang ito."

The Second DimensionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon