A/N: You might probably know kung sino si Koroko.
Siya yung 2nd version ni Koro Sensei! Haahahahahaah XD Pasensya na ah wala akong maisip na ibang name.
///||||////
Tumango-tango yung mga classmates ko.
Ang hirap talaga kapag hindi ka nakikinig sa discussion! Octopus Koroko daw!
"Hindi naman talaga siya octopus na lumalangoy sa dagat.." pagpatuloy ni Prof. Kennley, "He just looks like one. Ang pangalan ni Koroko ay mahahanap sa syudad ng New Celestria, the city which governs better technology than humans. Minsan kung sasabihin mo ang pangalan niya 'don, the residents will praise you for no reason. Anyway, that city will not be made without his 8-tentacle help and his Mach 10 speed."
"Sir, talaga po?" Tanong ng isang babaeng classmate.
Halatang pasikat. Tsk.
Na-cucurious na talaga ako kung ano yung real face ng Koroko na yun. Oo, octopus siya. Pero MACH 10?! Ang bilis naman non! Siguro mabilis niyang naiimbento ang mga teknolohiyang 'yon kasi mabilis naman talaga siya! Tas.. tas may walong tentacles pa siya! Jusme!
"Yes. Si Koroko ang siyang nag-imbento ng halos lahat ng mga teknolohiyang mahahanap niyo sa buong New Celestria. Sometimes, yung mga imbento niya ay pinapadala sa mga Chumgruls."
"Eh prof, pano po yan? Nalaman agad nila na isang octopus na nagngangalang Koroko ang gumawa non?" Tanong ulit ng isa pang babae kong classmate.
Umiling si Prof. Kennley, "Hindi. May pen name siya kaya hindi yon agad malalaman ng mga appliance factories sa ibang dimensyon." Aniya, "And ewan ko kung bakit 'Steve Jobs' ang napili niyang pangalan."
Everyone gasped.
Steve Jobs? Meaning.. yung creator ng Apple?
Hmm.. parang may posibilidad ata na isa si Koroko sa mga "taong" nag-imbento ng Iphones. May posibilidad lang.
"Anyway, class may bibigyan akong mga..." He smiled, tas may kinuha siyang tray sa ilalim ng table niya. Nung nakita ko kung ano yon.. parang nakita ko na sila kanina ah. Mukha silang mga rubiks cube, yun pala may hologram.. "Since mga first years kayo, mahahandugan kayo ng libreng hologram cubes." Naghiyawan ang mga kaklase ko asides ni Berthud.
Kita ko siya rito eh. Ang tangkad kaya niya.
Nagkibit-balikat lang siyang tumingin sa tray. He fixed his glasses.
"Sir," yung boses niya yung nakapagpatahimik sa'min.
Ngumuso si Sir Kennley sa kanya. Feeling ko talaga related silang dalawa eh based sa actions nila sa isa't-isa.
"Ano 'yon Berthud?"
Tumayo bigla si Berthud at in-examine niya ang isang holgram cube. Nung tapos niya, he raised it up para makita ito ng lahat.
"Wala na po bang bago nito? I have exactly six hologram cubes kept in my dorm. Pare-pareho yung mga designs niya."
Natigilan si Prof. Kennley.
"Hala ang cute ni Berthud.." Rinig kong bulong ni Eymie sa tabi ko.
"Meron din akong anim na ganyan." Emotionless na sambit ni Meredith, "Hindi na bago sa'kin ang mga hologram cubes. Si Professor Kennley na kasi yung naging teacher namin sa technology noong Fifth grade pa kami."
Napa-"ahh" kami ni Eymie. Soooo basically--
"Ahhh ahahaha." Tawa ni Prof.Kennley kay Berthud, "Im just joking. Ibabalik ko na lang yan sa loob. Class dismissed."
BINABASA MO ANG
The Second Dimension
FantasyDiana's life revolved on the ordinary until she discovers that it wasn't after all. - Start: 2014 Published: 2016 Edited: 2019 Republished: 2020