Autumn 58

473 12 3
                                    

Matapos maligo ni Rachel sa banyo ay agad namang sumunod si Richard.


Naka robe lamang ito habang kumukuha ng damit sa kanyang closet. Matapos itong makakuha ay hindi muna agad ito nagbihis upang mag-ayos ng kaunting make-up sa mukha.



Bago pa man sya makapaglagay ng foundation ay tumunog ang kanyang cellphone.


At ng makitang si Simon ang tumatawag ay naalala nya ang kasunduang  hahanapin nila ng sabay ang kakambal, ngunit paano? Mag pipicnic silang tatlo ngayon.

"Hello."


"Oh ano? Saan tayo magkikita, honey?" Bungad agad ni Simon sa kanya.


"Ahm. Simon, hindi pala ako pwede ngayon. Sa ibang araw na lang natin ituloy." Saad nito habang nangangamba kung papayag si Simon o hindi. Hindi nya maaaring ipagsawalang bahala ang kaso ng kakambal. Nais nya na itong mahanap at malaman kung anong tunay na nangyari.

"Akala ko ba gustong-gusto mo ng malaman ang katotohanan? Eh bakit laging postponed tayo Rachel? Ano ba naman yan.. Ano na naman bang inaatupag mo ha?"  Reklamo nito sa kabilang linya.




Inis man sya sa sinasabi nito ay pinipigilan nya ang sariling sagutin ito ng hindi kaaya-aya, hindi pa sa ngayon dahil kailangan nya si Simon.


"Okay.. Okay.. 3 o'clock in the afternoon. Cafe Estella, malapit sa park." Pagbibigay ni Rachel ng lugar kung saan sila magkikita.

Bago pa man sumagot si Simon ay pinagbabaan nya na ito.

Nagpakawala sya ng isang malalim na paghinga bago muling ituon ang atensyon sa pag- aayos ng sarili.


Napasinghap naman sya ng maramdaman ang labi ni Richard na dumampi sa kanyang kanang balikat.


"Nanggugulat..." Saad nito habang hinahampas sa braso si Richard.



Napangiti naman si Richard sa asawa.



"Wag ka na masyadong mag-ayos ha. Baka pagtinginan ka sa park. Makasuntok pa ako ng mga ungas." Sabi nito habang nakatuon ang mga kamay sa balikat ng asawa at nakatayo mula sa likod.



Tiningnan naman ni Rachel ang kanilang repleksyon sa salamin.


"Sira ka... Si Stephen ba? Maayos na? Check on him naman, Chard. Tapos hintayin nyo na lang ako sa baba." Sabi nito habang patuloy na abala sa paglalagay ng manipis na make-up.




Ngunit bago pa nito sundin si Rachel ay dahan-dahan nitong pinadadaus-os ang kamay sa loob ng robe nito.


Napakagat labi naman si Rachel bago hawakan ang kamay ni Richard na nasa parteng breast na nito.



"Mamaya na yan, okay?" Saad nito habang nililingon si Richard sa likuran nya.



Napakagat labi na lang din si Richard at inilapit ang mukha kay Rachel bago ito dahan-dahang hinagkan.



Mabagal lamang ang ritmo ng paggalaw ng kanilang mga labi.


Di namamalayan ni Rachel na nakapasok na muli ang kamay nito sa kanyang robe habang sila ay naghahalikan.



Di na nya napigilan ang asawa.



At bago pa man sila makaalis patungo sa pupuntahan ay naglakbay muna sila sa ibang dimensyon ng mundo.



Mabilis lamang ito dahil alam nilang any time ay kakatok na si Stephen sa kwarto kaya tinulungan nila ang isa't-isang magbihis.



Napapangiti na lamang ang dalawa sa kulit nilang taglay noong umagang iyon.


Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now