Autumn 53

477 19 15
                                    

Kitang-kita ni Rachel na iniiwasan siya ni Richard buong maghapon. At aminin man nya ito sa sarili o hindi ay nasasaktan siya sa inaasta nito.


Ngunit sino ba siya upang magreklamo? E siya itong hindi pa handang magsimula ulit.


Ramdam na ramdam ito ni Stephen, Robert at Mathilde. Ngunit, hindi na lamang nila ito masyadong pinapakialaman sapagkat naniniwala sila na magkakaayos din muli ang dalawa.


Kinagabihan, nakita niya si Richard sa salas na nanunuod ng paborito niyang palabas, The Parent Trap.



Kaya't kahit nangangamba siyang maupo sa tabi nito ay ginawa nya pa rin.



Ngunit ang buong atensyon ni Richard ay nasa telebisyon na wari mo'y walang ibang taong dumating at tumabi sa kanya.



Ilang minuto ang lumipas, at lumabas din ang tunay na motibo ni Rachel sa pagtabi sa asawa, nais nyang humingi rito ng kapatawaran...



Minabuti niyang hawakan ang isang kamay ni Richard ng bigla itong umaray sa sakit.



"Rachel! Ano ba?!" Sigaw nito kay Rachel at sa gulat ay tumula na lamang ang kanyang mga luha.



Ngunit minabuti nya itong punasam agad upang maipakita sa asawa na hindi siya susuko sa pang aamo niya.



"Anong nangyari sa kamay mo?" Agad niyang tinanong ng makita ang namamagang kamay ni Richard.





"Nothing." He thriftily answered habang patuloy na nanunuod ng telebisyon.




Agad namang tumayo si Rachel upang kumuha ng first aid kit.



Dahan-dahan nyang kinuha ang kamay ni Richard and to her surprised he didn't protest.


But still, his attention is still on the television.



"Hindi ka umuwi kagabi... Dun mo ba nakuha ito?" Marahan na tanong ni Rachel habang marahan ding ginagamot ito.



"What do you think?" Balik na tanong ni Richard habang patuloy na nakatutok sa pinapanuod.



"Richard, ano bang nagawa ko para tratuhin mo ako ng ganito?" Tanong ni Rachel habang marahan na hinihimas ang braso nito.



Agad namang napatingin si Richard sa tanong ni Rachel, "Really you don't know?" Matapos nya itong sabihin ay agad syang ngumisi.



Agad nyang hinablot ang bewang nito papalapit sa kanya gamit ang kamay na walang bali bago ito mariin na hagkan sa labi.



Ayaw man nung una ni Rachel ay agad din niya itong ginantihan.



At ng matapos ito ay agad tumayo si Richard at iniwan si Rachel na nakaupo sa upuan na umiiyak at walang magawa kundi tanggapin ang mga ginagawa sa kanya ng asawa.




'I deserve this.'



Naisip niya na ginagantihan siya ni Richard sa lahat ng ginawa nya noon.





Ngunit di pa rin natinag si Rache at agad pinunasan muli ang mga luha at sinundan si Richard sa kanyang silid.




"Ano bang problema natin ha, Richard?" Tanong nito na hindi na mapigilang mapasigaw sa inis at pagkadesperadang maging maayos sila.




"Hindi mo talaga alam? Tangina Rachel! Halos araw-araw mo sa'king pinaparamdam na maayos na tayo! Na wala ng problema, na napatawad mo na ako! Tapos ano? Magsisinungaling ka sakin?! Sasabihin mo na hindi ka pa handa?! Hindi ka handa kasi hanggang ngayon wala ka pa ring tiwala!" Lahat ng nais sabihin ni Richard na kinikimkim niya sa sarili ay naibuga niya sa harap ni Rachel.




Hindi naman talaga siya magagaliting tao. Kapag lamang nasasagad siya ay hindi na niya kayang kontrolin ang emosyon.




"Richard... Alam koo..." Ito lamang ang tanging naisagot ni Rachel habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang mukha.





"Alam mo, Rachel.. Hindi lahat ng pagkakataon, mauunawaan ka ng taong nakapaligid sa'yo. Masyado ka ng naging selfish, Rachel. Sarili't sarili mo na lang ang iniisip mo. Pag nasaktan ka, daig mo pa ang Diyos! Napakahirap mong magpatawad. Anong tigas ng puso mo, Rachel!" Muli nitong sumbat kay Rachel na lalong nakapagpaluha sa kanya.



Habang sinasambit ni Richard ang mga salita ay ramdam na ramdam ni Rachel ang sakit..



Ang sakit ng katotohanang tama siya.



Tama si Richard, hindi sya marunong magpatawad at magpakumbaba.



"At ikaw.. Kapag nagkakasala ka ang gusto mo patawarin ka kaagad? Ano ka?! Kami bang tao na nasa paligid mo? Wala ba kaming nararamdaman? Ikaw lang ang may karapatan?"





"Chard, please...." Ito lamang ang kanyang naisaad habang unti-unti lumalapit kay Richard para patigilin na ito sa pagsasalita ng masasakit sapagkat ang puso nya ay patuloy na nabibiyak sa hindi nya na malaman na bilang.




"Hindi mo alam..." Dugsong na sabi ni Rachel.

"Ano pa bang hindi ko alam? Rachel, alam mo... Alam mo kung paano kita inunawa sa lahat dahil alam kong nagkamali ako sa'yo kahit hindi ko yun sinasadya... Inamin ko sa'yo lahat lahat Rachel... Pero anong ginawa mo?" Saad ni Richard habang pinupunasan din ang luhang kumawala sa kanyang mga mata.




"Pinarusahan mo ako..." Pagtatapos niya sa kanyang nais sabihin.




Agad lumakad si Rachel ng mabilis upang hindi siya maiwasan muli ni Richard na lumapit sa kanya at agad niyang hinawakan ang mga pisngi nito habang tinititigan ang mga mata nitong lubos na nasasaktan.. At nadudurog ang puso ni Rachel habang nakikita itong durog na durog.




"Chard, I am here. I'm always here..." Pang aamo nito sa asawa ngunit umiling lamang ito at tinanggal ang mga kamay ni Rachel sa kanyang mukha bago tumalikod dito.





"Hindi na ako naniniwala sa mga salita mo at gawa mo Rachel... Ayoko ng paulit-ulit paasahin ang sarili kong babalik ka pa..." Saad nito habang patuloy na nadaloy ang mga luhang kanyang pinipigilan ngunit tila may sariling buhay na tumatagas.





Agad yumakap si Rachel kay Richard mula sa likod habang umiiling.




"Chard... Hindi.. Hindi...." Sabi nito habang palakas ng palakas ang kanyang mga hikbi.



"Mahal kita..." At muli, sa higit walong taon.. Muling narinig ni Richard ang mga katagang nais niyang marinig sa asawa.




Ang mga nakayakap na bisig ni Rachel ay marahan niyang  hinawakan at tinanggal.



At ikinagulat ito ni Rachel ng husto.



Tuluyan na nga bang bibitaw sa kanya si Richard?




Tuluyan na nga bang napagod ang pusong sawa ng maghintay at umunawa?



Tuluyan na nga bang hindi maaayos ang kanilang relasyong puro lamat na?




Tuluyan na nga bang hindi mabubuo ang pamilyang matagal na nilang inaasam-asam?




Tuluyan na nga bang wala ng pag-asa ang kanilang pag-iibigang nasira lamang ng isang pagkakamaling walang kasiguraduhan kung sino ang talagang nagkasala?





Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now