Autumn 72

444 15 5
                                    

Viceral's had been busy managing the Guidotti Imports, US Branch.






"Sinasabi ko na nga ba, Romeo pinagtataksilan nyo akong dalawa. Mga hayop kayo!" Pabiro nitong saad sa naglalambingang si Agatha at Romeo.






Napatigil naman ang dalawa sa pagkukulitan ng marinig ang boses ni Viceral.






Napatawa na lang ang mga ito bago pa man bumalik sa kanya-kanyang pwesto.






"Oh kelan na daw ba ang balik ni Madame Dragona?" Tanong ni Agatha habang nag-aasikaso ng papeles sa mesa nya.






Idinampi naman ni Viceral ang kamay sa divider ng mesa ng dalawa. At habang tinitingnan ang mesa ni Romeo na tila nang aakit ay nagwika sya, "Ayun, wala pang sinasabi. Saka minsan lang sya magpa update sa akin ng nangyayari. Jusko, isa't kalhati din naman palang haliparot yang boss natin, o tamo? Halos pinabayaan na tayo dito." Saad ni Viceral na may halong biro.






"Nako ka, naka record lahat ng sinabi mo! For sure, mamaya alam nya na agad ang mga yan!" Pang aasar ni Agatha rito at di naman mapigilan ni Jane ang sariling makisali.






"Oo nga Viceral, yare ka. Tingnan mo yang inbox mo baka kay message na sayo si Mam." Saad ni Jane habang nanakot din.






Lumingon lingon naman si Viceral, "Ayan!" Turo nya sa kabilang direksyon na tila may tao, at saka muling nagsalita, "Ayan si Mam sabi daw, kayo daw ang patatalsikin kapag di pa kayo nag-umpisa ng trabaho! Mga to! Nauna pa ang chika kesa sa work! Work! Work! Work! Work! Work!" Saad ni Viceral habang tinitaas sa hangin ang dalawan kamay.






Napairap na lang naman ang dalawa at nag-umpisa na muling mag trabaho.






Nagtungo naman si Viceral sa kanyang pwesto bago tuluyang marinig ang cellphone nya. May tumatawag.






Napa Aba Ginoong Maria naman si Viceral bago tingnan kung sino ang tumatawag.






At napabuntong hininga sya nang makita ang caller I.D.





"Hello, Viceral. Updates? Kamusta ang sales?"





Napairap muna ito bago sumagot, "Okay naman po. Saka don't threatened me too much, Madame. Every tatawag kayo, jusko ang sakit sa pantog e." Saad nito habang hinahawi ang buhok.






Narinig naman nya ang pagtawa ng kausap sa kabilang linya. "Kung ginagawa mo ng maayos ang mga binilin ko sa'yo, nothing to worry about, okay?"






"Ginagawa ko ho, ginagawa ko ho sa abot ng aking makakaya. Madame, make sure pauuwiin nyo na rin ako ng Pilipinas pag bumalik na kayo rito ha. Gusto ko na pong magbagong buhay sa Manila." Saad nito na walang halong sarkastiko.






"Eh paano ang kompanya? Pagbalik ko dyan, you're still the one who'll managed it, understood?" Maawtoridad nitong saad.






Napatango na lang sya sa takot na akala mo'y nakikita ng kausap ang ginawa nya.






Marahang ibinaba ni Viceral ang kanyang cellphone at inilapag sa mesa.






Speaking of the devil. Hays. Kailan ba matatapos ito, jusko. Bespren, tulungan mo ako, sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.





-----------------------------

Ilang araw na ang nakalipas at halos wala namang nangyayaring ikababahala ng kanilang pamilya, pwera na lang sa patuloy na paghihigpit ni Richard sa kanyang mag-ina.





Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now