Autumn 61

455 14 7
                                    

"Good Morning, Love. Sorry late na ako nakauwi kagabi ha." Bati ni Richard kay Rachel habang nasa hapag kainan.



Ngumiti lamang si Rachel at ipinagpatuloy ang pagkain, ang atensyon ay sa bata.



"Oh Richard, maige pa ay umupo ka na at kumain. Mukhang papasok ka muli ngayon ng kay aga." Saad ni Mathilde ng may ngiti sa labi.




Agad namang sinunod ni Richard ito, umupo sya sa tabi ni Rachel ngunit tila wala itong pakialam ngayon.



Ginabi na sya ng uwi kahapon dahil sobrang daming trabahong kailangang tapusin lalo na at si Vicente ay may sakit, ilang araw ng hindi napasok.



Siniko nito si Rachel ng marahan ngunit tanging maikling tingin lamang ang natanggap nya mula rito.



"Love..." Bulong nito sa asawa na busy pa rin sa pagkain.




"Daddy, galit si Mommy sa'yo." Saad ng bata na ikinagulat naman ng lahat lalo na ni Richard.




Natahimik naman si Richard sa sinabi ng bata, hindi nya kasi nasabi kay Rachel na hindi sya agad makakauwi.




Matapos kumain ni Rachel ay agad syang tumayo para pumunta sa kwarto at simulan na ang dapat simulan.




Hindi naman nya namalayan na sinundan pala sya ni Richard.



"Huy Rachel..." Saad nito matapos makapasok sa kwarto.



Hindi naman ito pinansin ni Rachel at nagpatuloy sa pagpasok sa banyo.


Wala ng nagawa si Richard kundi ang mapailing sa pagkadismaya at kaba dahil mukhang galit nga ito.


Gusto man nyang suyuin ang asawa ay napatingin sya sa kanyang relo at nakita na late na sya sa opisina.



Makalipas ang isang oras na pag-aayos ni Rachel para lakarin ang isang bagay ay nakaalis na rin sya ng bahay.


Naiwan naman si Stephen sa Mamita at Pappy nito.



Ng makarating sa napag-usapang tagpuan ay agad syang bumaba ng sasakyan at isinuot ang kanyang shades, maige na ang maingat.




Marahan nyang binuksan ang pinto ng nasabing restaurant, at agad na bumungad sa kanya ang taong makakausap.



Ipinaghila sya nito ng upuan, hindi na sya umangal pa at hinayaan na lamang ito.



"What do you want?" Masayang panimula ng kausap bago ito tuluyang umupo sa kaharap na upuan.



"Ang sagot sa nag-iisa kong tanong." Direktang sagot nito.


Ngunit ang tinatanong ng kausap ay kung ano ang gusto nitong orderin at hindi agad ang bagay na iyon.


Natigilan muna ito bago sumagot, "Rachel, ngayon na lang ulit tayo nagkita after so many months. I miss you." Saad nito habang inaabot ang kamay nya na nasa ibabaw ng lamesa.



Tiningnan naman ni Rachel ang kamay nito na papalapit sa kamay nya, kaya't agad nya itong hinila palapit sa kanya at minabuting ilagay sa lap nya.



"Bakit mo yun ginagawa?" Tanong nito sa kausap. Alam nyang alam nito ang sinasabi nya.



Napahaplos ito sa batok bago umimik, "Rachel, hindi pa ba sa'yo sinasabi ni Richard?" Tanong nito.



Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now