Autumn 65

454 8 11
                                    

I'm so sorry Rachel, I have to do this.

Binigyan nya ng huwad na impormasyon si Richard at Rachel. Hindi iyon ang tunay na pangyayari. Ngunit dahil sa takot sa maaring gawin sa kanya ng taong nag-utos sa kanya noon ay nagawa nya ito. Ang muling magsinungaling.

"Alam mong may kasalanan ka rin sa pagkawala ni Selina. Kaya nandito ako para maningil..." Saad sa kanya ng kausap.

"Tita, believe me.. Wala akong kinalaman sa pagkamatay ni Selina..." Tanggi nito.

"Ngunit hindi magkakanda leche leche ang buhay nya kung pinanindigan mo sya noon nung nabuntis mo sya. Naturingan ka pa man ding bestfriend ni Selina pero ano?! You tolerated her na ipalaglag na lang ang bata." Galit na usal nito.

"Tita, tapos na po iyon. Pinagsisisihan ko na po yun at alam ko maging si Selina ay nagsisi rin po sa ginawa namin.. Pero Tita, ano po bang dapat kong gawin para mapatawad nyo na ako?" Tanong nito ng halos magmakaawa.

Lumapad naman ang ngiti ng kausap nito at saka nagwika, "Isa lang naman, William..." Sabi nito bago lumapit sa kanyang kinatatayuan.

Takot man sya ay mainam nyang itinago ito sa loob. Matikas pa rin syang nakatayo habang nakatingin sa isang direksyon.

"Sabihin mong si Stephen ay anak nyo ni Selina..." Pahayag nito na halos pabulong sa binata.

Napasinghap naman sa pagkagulat si William.

Nais nya ng magbagong buhay at humingi ng tawad kay Richard at Rachel sa mga nagawa nya ngunit tila napakaimposible ng nais nyang iyon dahil sa kahilingang ito ng ina ni Selina.

"Ba....bakit po?" Tanong nito.

Agad namang humarap ito kay William at matamang tinitigan ang binata, "Dahil yun ang gusto kong gawin mo!" Sigaw nito habang nanlilisik ang mga mata.

Agad namang nagulat at nasindak si William sa sinabi nito.

"Tita... Gagawin ko po yan. Basta alam ko po sana ang buong plano nyo." Matapang nyang sagot dito.

Nag isip-isip naman ang kausap nito bago muling magsalita, "Tama ka. Mas mainam na alam mo ang plano ng mas magawa mo ng maayos ang ipag-uutos ko." Saad nito bago umirap.

Maraming sinabi ang babae na ikinagulat nya. Hindi nya alam kung maniniwala sya sa sinabi nito o hindi.

"Si Stephen ay anak nilang dalawa ni Richard. May inutusan akong tao para pagpalitin ang sanggol sa hospital. Ang patay na bata ang napunta kay Rachel at ang batang buhay ang napunta kay Selina. At sinadya ko iyon, dahil kung hindi... Mawawalan na ako ng koneksyon sa mga Guidotti. At para sa'yong kaalaman, ako ang tunay na asawa ni Robert." Ibinunyag nito kay William.

Ng malaman nya na inilipat na ni Robert at Mathilde sa pangalan ni Stephen ang malaking bahagi ng kumpanya ay wala syang panahong sinayang upang mag-isip ng mabisang plano.

At ng di inaasahang araw, nagtagpo sila ng bestfriend ni Selina na si William sa isang sikat na restaurant makailan lamang.

Natunton agad nito ang tinitirihan ng binata. At dahil parehas silang nasa US, ay naging madali ito para sa kanya.

Sya ang dahilan ng pag-uwi ni William sa Pilipinas.

Upang maisakatuparan ang plano nyang makuha ang bata.

Bata na katumbas ng limpak limpak na salapi.

Upang masunod ang plano ay halos araw-araw nya ng chinachat ang bata upang makuha ang loob.

Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now