Autumn 73

394 16 2
                                    

Pumasok na si Richard sa trabaho habang naiwan naman si Rachel at Stephen sa bahay.


Nasa sala ang mag-ina habang nanunuod ng kahit anong pelikulang ipinalalabas sa KBO.


"Mommy, I heard...aalis daw si Daddy?" Tanong ng bata habang iniaangat ang kanyang ulo para makita ang mukha ni Rachel, nasa couch sila parehas na nakahiga.


Yakap yakap ni Rachel si Stephen mula sa likuran.


Nalungkot na naman si Rachel ng maalala ang two weeks na ipinagpaalam ni Richard sa kanya.


"Oo, anak." Matipid na saad nito.


Nakita naman ng bata na malungkot ang ina. "But Mommy, isn't a right time para makasama ko po si Tito William?" He excitedly exclaimed.


Nagulat naman si Rachel sa sinaad ni Stephen, hindi man lang nya naisip na maaari nyang gamitin ang dalawang linggo upang gawin ang una nya sanang priority kumbakit sya rito umuwi.




"That's a great idea, anak." Saad ni Rachel matapos makakuha sa bata ng ideya na maaari nyang ipagpatuloy ang paghahanap sa hanggang ngayong nawawalang kapatid nito.





"You agree, Mommy?" Gulat nitong tanong sa ina habang nanlalaki ang mga mata.






Tumango lang naman si Rachel sa bata.




Wala namang paglagyan ang kasiyahan ng bata sa pagpayag ng ina.



Kinabukasan ay alis na ni Richard kaya ngayong gabi ay di pa rin mapakali si Rachel. Hindi nya alam kung anong mararamdaman, kung malulungkot ba sya o makakaramdam ng kaunting kalayaan.





Nakahiga na ang dalawa sa kama habang magkayakap.







"You sure, it's really fine?" Tanong ni Richard habang nakatingin sa kisame.






Ayaw man ni Rachel sa two weeks na paghihiwalay nilang ito, e what could she do? Kailangan yun ng company at napakachildish naman siguro nya kung sasabihin sa asawang huwag pumunta roon.







Hindi naman umimik si Rachel dahil part of her is already grieving for that two weeks ahead.






"Si Mang Bert, hindi ko na sya isasama. I can drive on my own. Kapag may pupuntahan kayo, don't drive Rachel please. Can you promise me that?" Tanong nito habang tinitingnan ito sa kanyang bisig.






Tumango lang naman si Rachel habang dinarama ang haplos ni Richard sa kanyang buhok patungong balikat.






"Kung makayakap naman ang Love ko parang ayaw talaga akong paalisin e. Wag ganyan, mahihirapan akong umalis nyan." Saad ni Richard habang pinipisil ang kanang pisngi ni Rachel.






Lalo namang siniil ng yakap ni Rachel si Richard at doon nya isinubsob ang mukha sa dibdib ng asawa.







Hinayaan naman ito ni Richard at pinakiramdaman.







Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman nya ang likidong unti-unti nanunuot sa kanyang damit at nararamdaman nya na sa balat.







Nang makita nya na ang paggalaw ng balikat ng asawa ay alam nya na, na umiiyak ito.







Hindi naman nya napigilan ang sariling iangat ang ulo nito at umupo ng magkaharap matapos maramdaman iyon.






Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now