Autumn 71

451 15 7
                                    

"Ano?! Bakit mo yun ginawa? Paano kung namukaan ka ni Rachel? E pano na tayo nyan?!" Saad ni Simon sa kaharap.

"Wag mo nga akong sinisigawan, Simon! Hindi naman nya ako kilala at saka isa pa parang wala ka namang ginagawa para sirain ang pamilya nila!"

"Hoy Elena, wag mo akong pagsalitaan ng ganyan! Dahil kung wala ako, tandaan mo... Wala kang mata sa mga Guidotti. Kaya kung ako sa'yo, magtiwala ka na lang ha? " Saad ni Simon kay Elena.

Oo, magkakampi nga sila sa pagsira ng pamilya nila Rachel.

Wala namang naiimik si Elena rito dahil alam nyang totoo ang sinaad ni Simon.

Ngunit kanina ay nakipagkita sya kay Robert at Mathilde upang kunwaring humingi ng tawad sa mga ginawa nya at sa huli ay sinabi nya na nais nyang makasama ang apong si Stephen.

At dahil sa kanyang paawa effect ay tila mapapapayag nya pa ang mag-asawang kinasusuklaman nya.



"At saka bakit ka umuwi dito? Akala ko ikaw na muna ang bahala sa pagkuha ng pera nila sa US?" Takang tanong pa ni Simon.



"Ano pa?! Gumagawa ng paraan para masira nga sila. At wag kang mag-alala sa US plan, tuloy na tuloy yun. Lalo pa't wala si Rachel dun, madali na yun." Saad ni Elena na naiinis na sa pagkabossy ni Simon.




"Paano mo naman gagawin yon aber?" Tanong ni Simon habang nakahawak sa bewang ang dalawang kamay.





Sinamaan lang naman ito ng tingin ni Elena bago sumakay ng sasakyan.





Napailing na lang naman dito si Simon.



---------------------



Hapon na naman at tila kay bilis lumipas ng panahon para sa kanilang lahat.





Komportableng nakaupo si Rachel at Richard sa couch habang magkayakap at nanunuod ng kahit anong palabas na naroroon sa KBO.





Samantalang minabuti ni Mathilde at Robert na mag-usap sa office sa bahay nila upang hindi ito marinig ng kahit na sinong tao sa bahay.





"Robert, mukha naman sincere yung tao sa paghingi ng tawad sa atin." Saad ni Mathilde na pilit pinapapayag si Robert sa pagbibigay nila ng chance na makilala ni Stephen ang Lola nitong si Elena.





"Hindi ganoon kadaling ipagkatiwala ang apo ko sa isang tulad nya, Mathilde." Mariing saad ni Robert.





Napabuntong hininga naman si Mathilde bago muling magwika, "We're not getting any younger, baka this is the right time para ayusin na natin ang gusot sa nakaraan."





Noon ay pilit binubura ni Mathilde ang nakaraan sa pag-aakalang iyon ang solusyon sa lahat ng problemang nagdaan ngunit ngayon tila naliliwanagan na sya na ang pagsasaayos ng nakaraan ay may esensya.





Nag-angat naman ang labi ni Robert na wari mo'y may sasabihin ngunit minarapat na lang din nyang itinikom ang bibig.





"Hindi ba? Tayo rin naman may kasalanan sa kanya?" Tanong ni Mathilde habang hinahawakan ang kaliwang braso ng asawa.





Napalingon naman si Robert sa sinabi nito.





"Bakit mo yan nasabi?" Tanong nito na may pagtataka at inis sa tono.





"Dahil hindi mo sya binigyan ng pangalawang pagkakataon.." Hindi alam ni Mathilde ang sinasabi nya, hindi nya rin alam kung ano ba ang nais nyang ipahiwatig sa mga sinasaad.






Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now