Autumn 59

475 14 4
                                    

Naisipan ni Rachel na mag shopping kinabukasan dahil alam nyang busy si Richard sa opisina at para mapigilan ang sariling kulitin ito maya't-maya ay eto nasa Mall of Asia sya.



Ngayon na lamang muli sya nakapagliwaliw ng ganito, maganda ang simula ng kanyang araw sapagkat alam nyang maayos na silang dalawa ni Richard.



Naghahawi sya ng damit na nais nya ng may tumabi sa kanyang isang babae.


At sa di inaasahang pagkakataon ay hinawakan nito ang dress na hawak din ni Rachel.


Nilingon ito ni Rachel at nakita ang medyo matanda ng babae, marahil kaedad ito ng kanyang ina, bulong nito sa isip.



Minabuti nya ng bitawan na lamang ang damit at ngumiti rito ng madahan.


Kahit halatang mataray ang matanda ay ngumiti rin ito pabalik sa kanya.


"Alam mo, maganda ito. Bagay na bagay sa'yo." Wika ng matanda na ikinagulat naman nya. Akala nya ay bibilhin ito ng kausap.



Napangiti muli si Rachel ng may kaunting hiya bago magwika, "Salamat po." Wika nito habang inilalagay ang kaunting buhok na nasa gilid ng kanyang pisngi sa likod ng kanyang tainga.


"Subukan mo kaya ito?" Saad pa ng babae, magiliw nitong itinaas ang dress at itinapat kay Rachel.



Hindi naman matanggihan ni Rachel ang nais ng matanda dahil wala namang masama kung susundin nya ang request nito.


Madahan nya itong kinuha sa kanya at binigyan ito ng ngiti.


Bago pa man makapasok si Rachel sa dressing room ay nagwika muli ang matanda, "I'll wait for you here."




Gulat man si Rachel sa sinasabi at ginagawa ng babae e naisip nya na lang na nagmamagandang loob ang matanda.


Makalipas ang ilang minuto, lumabas sya suot ang isang white dress na kaunti lamang ang mga linya, lahat ng kanyang damit na nais ay simple lamang at hindi kumplikado.



Nakita nya ang matanda na napatayo ng makita sya, pawang namamangha ito sa ganda ni Rachel, muli ay ngumiti si Rachel dito.



"Naku Hija! You look so beautiful." Saad nito habang papalapit sa kanya.



Iniayos pa ng matanda ang buhok na medyo nakaharang sa kanyang mukha.



"Alam mo, you remind me of my daughter." Saad nito habang nakatitig sa kanya at wari mo'y sinasaulo ang bawat parte ng mukha nito.


"Bakit po? Nasan po ba sya?" Tanong nito ng may ngiti.


Huminga muna ang matanda at nakita ni Rachel ang pagpapalit nito ng emosyon, nalungkot ito.


"Wala na sya." Saad nito bago pa man tuluyang tumulo ang luha nito.


Nalungkot naman din si Rachel at naawa sa matanda. Alam nya ang pakiramdam ng mawalan ng anak, alam nya ang lungkot na pinagdadaanan nito.


Marahan nyang hinaplos ang likod ng matanda bago ito tuluyang niyakap, hindi alam ni Rachel ang sasabihin dito, dahil kahit sya noon ay walang nagawa ang mga salitang nakakapagpasigla sapagkat kahit sino ay walang may kayang ibalik ang anak nya.



Narinig na nya na ang hikbi ng matanda kaya't hindi nya na lalo alam ang gagawin.


"Alam ko ho ang pakiramdam ng mawalan ng anak kagaya nyo." Bigla na lamang niyang nasabi dito. Kahit kanino ay hindi sya komportableng sabihin at pag-usapan ang tungkol sa anak nya ngunit ngayon ay tila may nag udyok sa kanya na gamitin ang karanasang iyon para makatulong sa ibang tao.




Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now