Autumn 70

412 17 5
                                    

Marahang lumakad papalapit si Rachel kay Richard.



Marahan ngunit sigurado, ito ang laging nakatatak sa isip ni Richard sa dating ugali ni Rachel, at nakikita nya na muli ito sa asawa.



Pilit nyang itinatago ang prustrasyon sa sarili dahil alam nyang hindi naman ito ginusto ni Rachel, na hindi sila magkaanak.



Ilang beses na silang bumalik sa OB gyn nito ngunit wala silang maibigay na konkretong kasagutan.



Sa isang buwan ay manganganak na si Alice at halos yun lagi ang usapan nilang magbabarkada.



Masaya naman si Richard para sa kaibigang si Leo ngunit hindi maaalis sa kanya ang makaramdam ng inggit dito dahil halos wala pa silang isang taon na kasal ay mayroon na agad silang nabuo samantalang sila ni Rachel ay tila nadurog at nabuo namagmuli ay wala pa ring batang nabubuo sa sinapupunan nito.



Lumilipad ang buhok ng asawa kasabay ng hangin na nanggagaling sa bintanang bukas sa kanilang kusina. Kita nya ang maaliwalas nitong mukha ngunit may luhang dumadaloy sa pisngi nito.


Hindi nya mawari ang mararamdaman, kung magagalit ba sya o maaawa sa asawa.



Hindi nya alam na tumutulo na rin ang kanyang luha habang nasa bisig nya ang asawa, nakapatong ang ulo nito sa dibdib nya.


Marahan nyang hinaplos ang buhok nito habang naririnig ang hikbi nito.


Tila isang musika ang kanyang naririnig ngunit isang malungkot na musika ang maliw.



Naalala nya ang sinaad ni Mathilde sa kanya, na marapat na nandyan sya lagi para kay Rachel dahil pag nalaman na nito na kapatid nya si Selina sa ama ay magugulantang ang mundo nya.



Ngunit tila isa pa sya sa nagiging problema ng asawa at nagagalit sya ngayon sa sarili nya dahil ang hilig nyang ihambing ang sarili sa mga kaibigan.



"Tahan na, Love." Ito lamang ang tanging nasambit nya habang idinadampi ang labi sa buhok nito.



Lalong humigpit ang yakap ni Rachel sa asawa, pakiramdam nya ay iiwan sya nito dahil sa kakulungan. Ngunit hindi, hindi iyon magagawa ni Richard.



"Hindi kita iiwan." Saad pa ni Richard na tila alam kung anong nasa isip ng asawa.



Matapos ang ilang minutong pagkakayakap ay kumalas na ang mga ito.



Marahan namang hinawakan ni Richard ang magkabilang pisngi ni Rachel at saka ito hinalikan sa noo, sa ilong, pababa sa labi.



Isang halik lamang ng asawa ay tila napapawi nito ang pangamba at lungkot na nararamdaman. Na wari mo'y sinasabi ng aksyon ng paghalik nito na hindi sya mawawala at sya lamang ang nais nitong kasama habambuhay.



Nagsimula sa marahan at puno ng pagmamahal na hindi kailanman matutumbasan at masusukat nino man.


Nasundan ng halik na wari mo'y nagsasaad ng kanilang kwentong pagkabilis at tila ayaw huminto.


Hindi na nila namalayan na napasandal na sila sa poste ng kanilang living room at buti na lamang ay sarado ang pinto at nakababa ang kurtina dahil kung hindi may live love making na masasaksihan ang mga kapitbahay.



Hindi na alam ni Rachel kung saan hahawak, kung sa ulo ba nito, sa buhok, sa batok, sa likuran o sa abs.



Habang si Richard naman ay abalang sugurin sya ng halik sa labi, panga at leeg. Ang mga kamay naman nito ay tila uhaw na uhaw sa katawan ng asawa.




Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now