Autumn 66

413 19 20
                                    

"Wala ka naman palang balak asikasuhin ang paghahanap sa kakambal mo e. Pinaghintay mo ako ng matagal na panahon." Saad ni Simon sa harapan ni Rachel.




May dalang sariling sasakyan si Rachel at meron din si Simon. Titiyakin nya na sya ang magdadrive ng sarili nitong sasakyan at kung nais sumabay ni Simon ay ayos lang yun sa kanya. Basta ang mahalaga nasa kanya ang kontrol.




"Marami akong inayos na bagay." Saad nito habang naglalakad na upang tumungo sa kanyang sasakyan.



"Oh bakit Rachel? Saan ka pupunta?" Sabi nito ng may pagtataka sa tono ng boses.



Lumingon naman si Rachel bago magwika, "Sasakay sa sasakyan ko. Alam ko naman ang daan kung saan pupuntahan ang beach ni Papa." At tuluyan itong sumakay sa kanyang sasakyan ngunit hinintay nya ang magiging reaksyon ni Simon.



Tila, hindi ito makapaniwala sa inaasta ni Rachel.


"Teka.. Teka... Mabuti pa, sasabay na lang ako sa'yo." Saad nito habang patakbong pumunta sa sasakyan ni Rachel.



Napangisi na lamang si Rachel sa sinabi nito.



At ng malapit na si Simon sa shotgun seat ay umimik muli si Rachel, "Sa likod."



Tiningnan naman ng kunot-noo ni Simon si Rachel.


"Sasakay ka o tutunganga dyan?" Tanong ni Rachel habang nakatuon ang tingin sa diretsong direksyon, hawak na ang manubela.



Napabuntong hininga na lamang si Simon at lugmok na umupo sa likuran.


"Rachel, ang dami mong demand. Ikaw ang may kailangan sakin ha. Baka nakakalimutan mo." Saad ni Simon na malapit ng mainis dito.




"Oh bakit? Kaya nga. Di ba? Heto, at pinagsisilbihan kita. I'm driving for you and you're actually seated at the back comfortably." Saad naman ni Rachel na tipong nang-aasar ngunit inosente ito sa sinabi.




"Komportable? E, pinapahiya mo naman ako. Ako ang lalaki tapos ikaw ang driver ko?" Saad nito ng may inis na sa tono.




"Just sit back and relax, okay?" At iniharurot na ni Rachel ang sasakyan.



Napakapit naman si Simon sa bilis magpatakbo ni Rachel, hindi nya akalain na may ganitong klaseng magmaneho na ganitong kagandang babae, grabe kung iharabas ang sasakyan.


"Slow down, baby!" Sigaw ni Simon habang patuloy na nakakapit sa upuan sa unahan.



"Shut up! Nagmamadali tayo hindi ba?" Saad nito habang patuloy na pinahaharurot ng mabilis ang sasakyan.




Buti na lamang at walang police na nakaduty sa mga daang dinaraanan nila dahil kung hindi, marahil ay nahuli na ito dahil sa bilis nitong magpatakbo ng sasakyan.




Wala pang isang oras ay nakarating sila sa nasabing resort.



Mainam na bumaba si Rachel at Simon sa sasakyan.



The crystal reflections of the seawater across the seashore welcomes Rachel's sight.





The wind blew to her face and her nostrils breathe in the fresh air.






She closed her eyes and saw how Rosha run into the seashore with an innocent smile on her face wearing her favorite lavander dress their Mama gave them when they were 4 years old.






Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now