Autumn 62

425 18 0
                                    

Kaya pala nitong nagdaan na araw ay may nasabi sa kanya si Richard na hindi nito kakayanin kapag nawala sa kanila si Stephen.



Naramdaman na lamang ni Rachel ang pagkahilo at pagsakit ng ulo dahil sa karamihan na ng nainom dito.



Mag-isa syang pumunta sa bar dahil hindi nya talaga lubos maisip na posible ngang tunay ang sinasabi ni William.




Ngunit hindi, ayaw tanggapin ng isip nya ang mga sinaad nito.



Hindi maaaring mawala sa kanila si Stephen. Hindi sya makapapayag.




Ngunit, tama si William kung mapatunayan na sya nga ang ama nito ay nasa kanya lahat ng karapatan kapag nagkataon.



Pero, para kay Rachel kaya nyang ilaban ang kanyang itinuturing na anak sa korte kahit pa anak man ito ni William dahil matagal na nitong alam ang tungkol sa bata at ngayon nya lamang binalak akuin ang responsibilidad nito, patutunayan ni Rachel na hindi sya karapatdapat sa custody ng bata.





Para saan pa ba ang pagiging abogado nya kung hindi nya ito ilalaban.



Hanggang dulo ay ipaglalaban nya ang bata kahit magkapatayan pa man sila.


Hindi nya hahayaang mapunta si Stephen sa taong wala man lang kaalam-alam sa salitang responsibilidad at paninindigan.




Hindi sya makapapayag na ang dating nobyo na kinasusuklaman nya ang mag-alaga kay Stephen.



Iniisip nyang lubos ang maaaring mangyari sa hinaharap ng bata kung sakaling dun sya mapunta, at tila nanggagalaiti sya sa galit sa hindi na mawari pang dahilan.




"Miss, miss.." Saad ng isang bartender habang tinatapik ang balikat nito, nakasubsob ang mukha nito sa lamesa.






"Uhm.." Tugon nito habang itinutunghay ang mukha. Napahawak naman sya sa magkabilang sintido bago pa man maramdaman ang umiikot muling mundo.




"Gusto nyo ho bang ihatid ko na kayo?" Mainam na tanong ng bartender, mukha itong mabait at magalang.





Ng maifocus ang tingin sa palagid ay nakita nya na wala na palang tao sa bar, dahan-dahan syang napatingin sa kanyang relo, bago napamura sa sarili.




"I.. I can manage." Saad nito habang dahan-dahang tumayo habang nakatuon sa lamesa ang mga kamay.




Lalong umikot ang palagid nya ngunit minabuti nya pa ring humakbang ng marahan upang paglabanan ang hilo at pagkalasing.





Inalalayan na lamang sya ng tingin ng bartender dahil turo iyon sa kanila ng manager, huwag pilitin ang customer kapag ayaw nitong magpahatid o ano pa man.





Nakarating naman si Rachel sa sasakyan nya. Agad nyang isinalampak ang sarili sa sasakyan at inusubsob ang sarili sa manubela.




"Ahhhhhhhh!" Sigaw nito habang hinahampas ang manubela. Nais nyang isigaw lahat ng galit, lungkot at pagdurusang nararamdaman.




Akala nya tapos na ang mga problema ngunit tila heto na naman, tila walang balak huminto sa pagdating.



Nakalipas ang ilang minuto bago nya tuluyang inistart ang sasakyan at pinaharurot nya ito.




Hindi alintana sa kanya kung mabangga sya o hindi, wala na syang pakialam sa buhay nya.



Naiisip nya na bakit ang daya ng mundo?




Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now