Autumn 69

363 17 6
                                    

"Bye Dadddy, Bye Mommy!" Sigaw ni Stephen habang patakbong lumalayo sa dalawa matapos nitong hagkan ang mga magulang.


Ngumiti lang naman ang dalawa habang kumakaway dito.


Nasa likod ni Rachel si Richard na nakapatong ang isang kamay sa balikat ng asawa.

Humarap naman si Rachel kay Richard at niyaya na itong sumakay sa sasakyan.


"Richard, okay lang ba kung mag drop off muna tayo sa mall? I badly needed to buy something." Saad nito na halatang kailangang kailangan nga nitong bilhin.


Nagtataka naman si Richard sa kung ano kayang bagay iyon.


Tumango lang si Richard habang patuloy na naglalakad para makapunta sa driver's seat matapos nyang pagbuksan ng pinto ng sasakyan si Rachel.


"Late na naman ako e, lubos lubusin na natin." Hayag ni Richard habang nakangiti ng nakalaloko.


"No, Gomez. Hindi ka uuwi ng bahay. Ako lang after natin sa mall." Saad agad ni Rachel.


Napailing na lamang si Richard ng nakangiti habang pinapaandar ang sasakyan.


Hindi makakailang, saulong-saulo ni Rachel ang asawa mula ulo hanggang talampakan nito.

Ang bawat tingin nito ay halos kabisado na niya, pati nga tila pagkurap ng mata ni Richard ay alam nya na ang ibig sabihin.


Nangingiti-ngiting nakatingin si Rachel sa gilid na bintana.


Napansin naman ito ni Richard ng saglit nyang dapuan ng tingin ang asawa habang nagmamaneho.


"Bakit ka nangiti dyan ha? Wag mong sabihing you can imagine me naked on our bed." Asar nitong turan sa asawa.


Agad namang binawi ni Rachel ang ngiti na hindi nya alam na nakaguhit pala sa kanyang labi.

Naiisip nya kasi ang unang paghatid nila kay Stephen kahit hindi pa ito sa tunay na eskwelahan. Naramdaman nya na naman ang tunay na pagka ina na matagal nyang hinintay at pinangulilaan, kahit alam nilang hindi naman nila talaga tunay na anak ito.




Para silang isang normal na pamilya na walang malagim na nakaraan.



"Yang bibig mo ha. Kung ano-ano na namang laman." Saad nito habang kinukurot ang balikat ni Richard.



At wala namang magawa si Richard kundi pigilan si Rachel gamit ang isang kamay habang nakatingin pa rin sa daan at tumatawa.



Nakarating naman sila sa patutunguhan.



"Ako na lang siguro ang bibili. You can go now to your office. If you don't mind?" Saad nito habang nahihiyang nakatingin kay Richard.



"Hindi. Sasamahan na kita." Agad na hinapit ni Richard ang bewang ng asawa at iginaya ito patungo sa entrance ng mall.



At wala namang nagawa si Rachel kundi ang magpadala dito.



"San ka ba bibili nung.. Ano nga bang bibilhin mo?" Takang tanong ni Richard kay Rachel.



Inangkla na lamang ni Rachel ang kamay sa braso nito habang patuloy na naglalakad.



At ng mapansin ni Richard na papunta sila sa drugs store ay nagtaka sya.


"May sakit ka ba?" Tanong nito ng may pag-aalala habang hinaharap ito sa kanya, tumigil sila sa gilid ng drug store, idinampi ni Richard ang kamay sa leeg at noo nito. Napabuntong hininga na lamang sya sa ginagawa ng asawa.



Autumn (CharDawn Fanfic)Where stories live. Discover now