[Chapter 13: Being His Slave]

422 3 0
                                    

 READ. VOTE. COMMENT.

 

--------------------------------------------------------------------------

 

[Cassie’s POV]

Haisxt. Nakakapagod buhay Freshmen. Puro research, groupworks, practices tapos idagdag mo pa yung pagiging alila ko kay Caleb. Psh.

 Mapagsamantalang tao talaga yun. Utos dito utos dun. Grabe. Pati pagkuha ng tubig sa canteen sa kin inuutos. Pati pagkuha ng mga gamit sa Music Room. Pati na rin paghahatid ng assignments niya sa classroom sakin inuutos.

ARGH! PESTE!

Kulang na lang ako magpatulog at mag-toothbrush sa kanya. Ako magpaligo at magbihis! Ayy. Over namsn Cassie. Ano ba yang iniisip mo.

 Aish. Nakaka-isang linggo at apat na araw na ko sakanya. Grabe akalain niyong tumagal ako kahit nakakagago yung amo ko? Kawawa mga naging yaya nun noon. 

- Nang kita ay makilala

Napatulo ang laway ko

Binti ko ay nangatog

Ako'y sumemplang at nauntog-

 Ayletchugas! 

Caleb Panget calling…

Ang pogi ng pangalan niya noh? Pinagpipilitan niyang pogi siya e. Pwes ayan.

“Hello?”

“Hoy Cassandra Jane! Bakit ang tagal bago ka sumagot ha?! Tinatakas mo na ba yung responsibilidad mo sa kin? Aayaw ka na ba sa usapan? Sabihin mo lang. Madali mag-quit.”

“O teka lang. High-blood agad? Grabe a. Di lang nasagot tumatakas na?”

 Aish. Kung pwede lang sabihing oo e.

“Siguraduhin mo lang.”

  “Yea. E bakit ka ba napatawag?”

“Pumunta ka sa condo ko ngayon. Kelangan ko serbisyo mo.”

“What? As in now na? May quiz pa kami sa History bukas. Di pa ko nakaka-aral. Saka may sa-“

“Di ko na problema yun. In 15 minutes kailangan nandito ka na or else…”

“Fine! I’ll be there.”

 Kita niyo na! Ugh! Nakaka-asar talaga. Bwisit. Bakit ba kasi nasa condo yun ngayon? Bihira siya pumunta dun maliban kung may away na naman sila nung papa niya.

 Paano ko nalaman?

Syempre dahil kay Aaron!

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon