MAHIWAGANG MENSAHE NI DORAEMON:
Hi guys! Sinusulit ko na ang pagu-UD ko habang may oras pa. Marami rin kasi akong naiisp na stories so gusto ko na sana silang umpisahan. Pero syempre tatapusin ko muna itech! HAHAHA. 15 Chapters pa po ang gugugulin nitong story ko so hopefully til the end nakasuporta kayo. Ocia. Game na. I love you all! >:DDD<
I-play niyo yung video sa side >> para mas feel niyo yung chapter na to :>
READ. VOTE. COMMENT.
------------------------------------------------------------------------------------------------
[Cassie's POV]
Andito ako ngayon sa condo unit ni Caleb. Sana. Sana andito siya. Binuksan ko yung pinto. May duplicate key ako.The moment na buksan ko yung pinto...Halos mapako ako sa kinakatayuan ko.Para siyang hindi unit ni Caleb.
Sobrang gulo.
May mga basag na plato. Nakatumba yung mga sofa. Basag yung tv. May mga basag na bote rin.
Hindi ko alam pero mas nasasaktan ako para sa kanya.
Caleb. Hindi ka naman ganyan e. Ganun mo ba siya kamahal na kaya mong maging ganyan para sa kanya?
Pumasok ako sa loob. Sinisigaw ko yung pangalan niya pero walang nasagot. Wag mong sabihing...wala siya dito? Pumasok ako sa loob ng kwarto niya...
Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko.
Hindi si Caleb ang nasa loob...
Kung hindi puro... pictures.
Pictures na nakakalat sa bawat sulok ng kwarto. Yung iba punit-punit na pero may ilang buo pa rin.
Pagtingin ko sa pictures...
Si Caleb at Venice.
Pareho silang masaya.
Ayoko magpaka-sira. Oo aaminin ko masakit. Nasasaktan ako.Ganito. Ganito ba talaga kamahal ni Caleb si Venice. Wala akonglaban mga brad. Yung ngiti ni Caleb sa mga poctures nila... ngayon ko lang nakita yun. Sobrang totoo. Galing talaga sa puso. Ang saya. Ang saya nila tignan. HAHA. Feeling ko tuloy ako panira dito.
Niligpit ko isa-isa yung mga pictures. Sayang naman e. Hanggang madampot ko yung last picture which is nasa frame pa...kaso basag na yung frame...
Ewan ko pero di ko namalayan..
May tumulo na palang luha sa pisngi ko.
Ang sakit pala.
Makita mo yung mahal mo... may kayakap na iba.Shoot! Diretso puso tama o!Hindi lang basta yakap e. Backhug brad! Backhug! Yung lagi niyang ginagawa sakin! Ang sakit. Ang sakit-sakit pala. Bakit ganun? Ayokong isiping mawawala siya sakin pero yun at yun pa rin ang pumapasok sa kukote ko.
Fudge naman!
Pinunasan ko yung luha ko. Hindi to yung oras para amgdrama. Saka na lang Cassie. Ang importante ngayon mahanap ko si Caleb. Kailangan ko siyang makita. Pero..saan?
Lumabas ako ng condo... nag-abang ng taxi. Isa lang ang naiisip ko ngayon... yung abandoned music studio nila noon.
1 am
Letseng traffic yan nauso pa sa Pilipinas! Anong petsa na ko nakaratin! Buti na lang wala yung mukhang ewan na guard dito ngayon. Nakapuslit ako agad. Kaso... di ko alam kung anong room yung music studio nila dito.. Aish! Bahala na! Iisa-isahin ko na lang to!
BINABASA MO ANG
The Red String of Fate
Novela Juvenil"An invisible red thread connects those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumstance...The thread may stretch or tangle, but it will never break." Paano kung naisipang maglaro ng tadhana at sa dinami-dami ng tao sa mundo eh k...