[Chapter 24: His Past]

341 2 0
                                    

READ. VOTE. COMMENT.

-------------------------------------------------------------

[Cassie’s POV]

Nandito ako ngayon sa kuwarto na ina-assign sa min ni Arie. Kasama ko si Eya at Ellie .Medyo okay na naman ako ngayon. Pero di ko pa rin nakausap si Caleb. Di pa ko nakakapag-thank you sa kanya. Nagui-guilty pa rin ako. Bakit ko ba kasi pinalayas yung mokong na yun kanina. Aish.

“Still awake, huh?”

“Ayletchugas! Ellie naman. Kala ko tulog ka na.”

“Tulog na ko sa lagay na to Cassie. Nag-sleep talk lang ako.”

“Psh.”

“Still guilty? Bakit di mo siya puntahan sa veranda?”

“Veranda?”

“Remember the dare. 11 pm pa lang. May 5 oras pa yun dun. So sige. Tulog na ko. Goodnight girl.”

“Goodnight din girl.”

*ikot*

*ikot*

*ikot*

*upo*

*tayo*

*upo*

 Aish! Mapuntahan na nga. Di ako makatulog e. Nakakakonsensya. Hm. Makalabas na nga.

Habang naglalakad ako papunta sa veranda…

*blink…blink…blink*

 Letchugas! Kailangan magpatay sindi yung ilaw? Nay ko naman. Wag ganito…..

KYAAAAAAAH!

 Nawalan ng ilaw! Nawalan ng ilaw! WAAAAH. Mommy!! Ay ang OA na Cassandra! Brown out lang. Brown out. Ano big deal?

*tooooogsh!*

KYAAAAAAH.

Yan! Yan ang big deal! WAAAAH! Takot ako sa kulog peste! Makabalik na nga lang sa kwarto.

Te-teka.

Brown-out diba? Edi malamang wala ring ilaw sa veranda?

Ay hindi Cassie meron, meron.Brown-out nga diba?

Ay sorry naman. Ibig sabihin madilim sa labas. At sa dilim…

takot si Caleb!

Hala ka! Kailangan ko mapuntahan yun…

*tooooogsh!*

Ayletse ka! Kumulog ka man o kumidlat Kailangan ko puntahan si Caleb baka mamaya ano mangyari dun.

Di ako nagke-care okay? May utang na loob lang ako sa tao. 

[Jazz POV]

*blink…blink…blink*

Eh? Bakit nagpapatay sindi ilaw dito? nMay problema siguro wiring nito o di kaya pundi. Psh. 

*tooooogsh!*

O baka magba-brown-out diba?

Sabi ko nga e. Magba-brown-out.

Brown-out. Brown-out?!

Walang ilaw! Ang dilim! Shet!

Ayoko. Ayoko sa dilim. Ayokong maiwan mag-isa sa dilim. Hindi ako komportable. Pilit ko lang naaalala yung nangyari noon. Ayoko na. Ayoko na maulit yun…

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon