[Chapter 61.2: The Accident]

262 2 2
                                    

READ. VOTE. COMMENT

---------------------------------------------------------------------------

[Cassie's POV]

Andito na kami ospital. Naglalakad kami papunta sa may ER pero napatigil kami ng biglang ...

*PAK*

"Kahit kailan wala kang andulot na maganda sa kapatid ko! Hindi ka na nakuntento! Sinaktan mo na siya dati nagwa mo pa siyang ipahamak ngayon! Bakit ba sobrang selfish mo ha? Hindi mo na inisip kung anong pwedeng mangyari! Ano ngayon? Yung kapatid ko nag-aagaw buhay! Lahat ng yun dahil sa'yo! Wala kang kwenta! Lumayas ka dito! Ayokong makita yang pagmumukha mo dito! LAYAS!"

"Venice... labas muna tayo."

"*sniff* So-sorry. Hi *sniff* hindi ko naman gi *sniff* ginusto yung nang *Sniff* yari eh."

"Enough with those lines! Umalis na kayo ngayon na!"

Lahat kami halos nagulat sa nangyari... parang hindi si Ate Jen ang nasa harap namin. Makikita mo na sobrang galit na galit siya kay Venice...

Ang akin lang...oo, si Venice nga ang nandun nung mga oras na yun...per sapat na ba yun para sisihin siya ni Ate Jen?

Oo na sige na, batukan niyo na ko. Eng eng din ako minsan. Iniisip ko pa yung iba sa ganitong sitwasyon..

Nung dumaan sila Venice sa gilid ko may sinabi siya...

"I'm sorry, Cassie. If you have time, I wanna talk to you. I'm sorry."

"ATE! Ka-kamusta na si Kuya? A-anong sabi nung doctor?"

"Hi-hindi pa lumalabas si doc, Jade. Let's pray and hope na okay lang si Jazz."

Sa narinig ko di ko na naman mapigilang umiyak. 

Lord, you'll save him right? Di mo naman siya kukunin samin agad eh. I know that you won't. You'll love to see us happy again, right? You love us. I trust You.

Niyakap na lang ako ni Papa. Kaya love ko to e. He knows kung ano ang kailangan gawin sa oras na ganito...

"Pa, sinong doctor yung nasa ER ngayon?"

"Dr. Mendez."

"He's good, right?"

"Yes."

"Walang mawawala if I trust him, di ba?"

"Of course, princess. You need to trust him. Hindi niya pababayaan si Jazz. He's a very good doctor."

"Thanks Pa."

Halos isang oras din kaming nag-intay sa labas... sa wakas lumabas na rin si Dr. Mendez!

"Doc! Ka-kamusta na po yung kapatid ko? Okay na po ba siya?"

"Doc! Magsalita kayo! Okay na ba si kuya?"

"Dr. Mendez, sabihin niyo na naman po oh! Okay na po ba si Caleb?"

"Doooooc naman! Magsalita ka naman!" -Arie

Nakita ko yung reaksyon ni Doc...ba-bakit ganun? Bakit parang binagsakan ng langit at lupa? No. Hi-hindi pwede....

"I'm soryy guys..."

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon