MAHIWAGANG MENSAHE NI DORAEMON:
Sabi ko noon uunahin ko muna yung twists ng ibang characters before yung twist ng main characters ko. Ohwell, gusto ko mag-enjoy muna kayo sa munti nilang 'moments' eh. HAHAHA. Ohwell, so ayun...yung malaking pasabog ngayon ay tungkol kay.....SECRET. Basahin niyo na lang :>
And by the way, may new characters po tayo! You'll meet them later ;)
READ. COMMENT. VOTE.
----------------------------------------------------------------------
[Lindsay’s POV]
3 pm na but we’re still here. We decided na hintayin na naming palabasin si Cass sa ospital mamayang 6 pm. Infairness tahimik ang paligid. Nasa labas sila lahat. Inatake na naman ng gutom. Grabe parang kakakain lang naman namin.
“Lin, bakit ikaw lang ang nandito? Nasaan ang iba?” – Cassie
“Gising ka na pala. Nasa labas sila. Kumakain. Nagutom e.”
“Ganun ba. E bakit di ka sumama?”
“Di pa naman ako gutom e. Naka-ilang pizza din ako kanina e. Ay Cassie labas muna ko a. I need to make a call sa parents ko. Alam mo naman.”
“Sure. Sige.”
[Cassie’s POV]
Pagkalabas ni Lindsay bumukas ulit ang pinto…
“O Lindsay may nakalimutan ka ba?”
“WAAAAAH Cassie girl!”
“E-eya?”
“Cassie naman! Buti na lang sinabi samin ni babe na nandito ka sa ospital. Ano na naman ba kasing katangahan ginawa mo?” – Zyra
Wow a. Kaibigan ko talaga tong mga to.
[A/N: Zyra on the side >>>]
Si Eya nga pala. Highschool bestfriend ko. Unfortunately, di siya nakapasa sa dream school namin kaya sa ibang university na lang siya nag-aral. Pareho sila ng school ni Zyra. Kung naaalala niyo si Zyra, siya yung girlfriend ni kuya Cy. Oyea. May pagka-pedo rin yung si kuya e. HAHA.
Originally, apat kaming magkakaibigan nung highschool pero sa di inaasahan na mga pangyayari, kumalas samin yung isa. Kung bakit? Mahabang kwento. Saka na lang.
“Si kuya talaga. Ano ba kayo. Ayos lang ako. Pagod lang kaya na-ospital ako.”
“Pagod lang? Ano na naman bang sideline ang mga pinagagagawa mo?” – Eya
“Nagpapaka-superhuman ka naman ata friend e.” – Zyra
“Di naman sa ganun. Hectic lang talaga schedule e.”
“Psh. Basta ang importante okay ka na a. So kamusta naman ang buhay college mo dun sa dream university natin?” – Eya
“Masaya. Nakapag-cope up na naman ako. May mga bagong friends din naman akong nakilala.”
“WAAAH. New friends? Baka naman mamaya…” – Eya
“Ano ka ba naman girl. Di ko kayo pagpapalit noh. You’re the best kaya.”
“Really? Kaya mahal na mahal ka naming friend e!” – Zyra
At ayun nagchikahan lang kaming tatlo nang biglang nagsidatingan ang buong banda…
BINABASA MO ANG
The Red String of Fate
Jugendliteratur"An invisible red thread connects those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumstance...The thread may stretch or tangle, but it will never break." Paano kung naisipang maglaro ng tadhana at sa dinami-dami ng tao sa mundo eh k...