[Jazz POV]
Ah shet. Paulit-ulit na lang sa utak ko yung nangyari kanina. Bobo mo Jazz, bakit mo ginawa yun? Argh. Sa dinami-dami ng babaeng hahalikan mo yung Cassandra pa na yun. Argh! Ano ba pumasok sa utak mo Jazz! Tanga mo talaga. Buti na lang walang nakakita sa’yo.
Pero bakit ganun?
Nung hinalikan ko siya parang…
parang…bumilis yung tibok ng puso ko?
Feeling ko magkakasakit ako nung oras na yun. Aish.
“Ah sir, ayos lang po ba kayo? Kanina pa ho kasi kayo nailing e.”
“Ha? Ah yun ba manong. Wag niyo na lang ako pansinin. Pakidalian na lang po nang makauwi na tayo. Pagod na po ako e.”
“Sige ho sir.”
Makanood na nga lang ng tv dito sa kotse.
Anak ng! Off na nga!
Sa dami dami naman ng eksena bakit yung naghahalikan pa Ano ba naman. Nanadya ba kayo? Peste naman o. Napahawak tuloy ako sa labi ko. Ay ang gay ng eksena a. Argh! Bakit ko ba nararamdaman hanggang ngayon yung labi nung babae na yun Nakakainis naman o. Pero infairness ang lambot ng labi niya. Halatang di pa nahahalikan e. Siguro first kiss niya ko.
*evil smile*
Eh teka nga. Ano sinabe ko?
Erase erase.
Hindi malambot lips niya. Magaspang. Super. Hindi kissable lips niya…Hindi talaga.
“Sir andito na po tayo.”
“Magandang gabi ho sir Jazz.”
“Good evening manang Sepa. Bakit ho gising pa kayo? Gabi na ho a.”
“Hinihintay ko ho kasi kayo ni sir Jade e.”
“Si Jade? Wala pa siya?”
“Wala pa ho e. Umalis ho kasi. Pupunta daw sa kaibigan niya.”
“Ganun ho ba? Sige ho una na ko.”
“Ay sir Jade! Naku po! Bakit ho basing basa kayo?”
“Jade. Bakit ngayon ka lang? Ano bang ginawa mo at basa ka ng ulan?”
“Wala kang pake. Mauna na ko manang.”
“Jade. May problema ba?”
“Wala.”
Anong problema nun? Di naman ganun yun sakin a. Aish. Baka may nakaaway lang sa kanto. Makatulog na nga lang.
[Cassie’s POV]
Anak ng tinapa dilis daing pati na rin pating! Kanina pa ko paikot-ikot dito sa kama pero di pa rin ako makatulog. Letse naman. Paulit-ulit na nagpe-play sa utak ko yung eksena kanina sa garden. Pesteng Jazz naman kasi e. Parang sirang plaka lang sa utak ko e. Ano ba naman to. Asar!
“Hoy ate, ayos ka lang ba? Di ka mapakali dyan e. Najejebs ka ba?”
“Ha? Hindi hindi. May naalala lang ako.”
“Ano naman yun?
“HA?! Ah wala. Ano ba yang ginagawa mo?”
“Nagbabasa lang sa wattpad ate.”
“Ganun ba? O sige pagkatapos mo dyan matulog ka na a.”
“Sus ate. Ikaw ang matulog na. Kanina ka pa nakahiga dyan di ka pa rin napikit. Mag-iisang oras na o.”
“Eh? Mag-iisang oras na ba? Sige na matutulog na ko. Goodnight bbysis.”
……….
…….
…..
…
Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,
sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,
sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,
sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako
Anak ka ng!
“CATHERINE! CELLPHONE MO! PALITAN MO NGA RINGTONE MO!”
“AYANGPOGINIAARON! Ate naman! Ano bang problema mo?”
“Letse naman Cath! Bakit yan ang ringtone mo? Palitan mo nga.”
“E kasi fan ako ng KitTen. Ang cute nga ng BG Music nila e.”
“Wala akong paki. Palitan mo yan”
“Ate? Ano ba problema mo sa ringtone ko?”
Probelama?
E yang walangyang kantang yan lang naman ang ginagawang pang-asar sakin ni Eya at Zyra. Oo, alam po nila. Di ko kayang maglihim sa dalawa kong BFFs noh. Dalawa na nga lang sila e. Psh. Kaya ayun kinuwento ko sakanila. Di ako madaldal pero kasi importanteng bagay yung nawala sakin dahil sa pesteng Caleb na yan. Argh! Kaya di ko keri na sarilihin yun. At ayun. Habang nagkukwento ako sa kanila tumugtog bigla yan sa TV. Pagtingin ko, ayun iniiterview pala si Karen at pinakita pa yung kuha nila ni Kit dun sa loob ng bahay tapos ayun na nga. Ang pesteng bg music nila. Narinig ng dalawa kong magaling na kaibigan at BOOM.
Yun na yun. Inaantok na ko paara magkwento makatulog na nga ....
Pero teka, may narinig ako kanina e…
“Hoy Catherine! Umamin ka nga sakin, may gusto ka ba kay Aaron?”
[Dara Park as Catherine Dela Cruz >>>]
Narinig ko kasi kanina e pogi daw ni aaron.
“Ha? A-ano ba sinasabe mo a-ate? I-inaantok ka lang. Tu-tulog ka na. Tutulog na rin ako. Go-goodnight.”
BINGO!
Tama ako. Malalaman mong nagkakaila yang si Catherine pag nag-stutter siya.
*evil laugh*
"Okay. Goodnight din bbysis.! Hihihi."
-----------------------------------------------------------------------
MAHIWAGANG MENSAHE NI DORAEMON:
Aysaaaauce! Mga kabataan ngayon oh! HAHAHA. Keri niyo yan JanDra. And wait, hmm...mukhang may bago akong bubuuing love team ah? Aaron and Cath? CathRon? Hmm. Ano sa tingin niyo? Let's see. HAHAHAHA. Vote and comment guys! ;)
BINABASA MO ANG
The Red String of Fate
Jugendliteratur"An invisible red thread connects those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumstance...The thread may stretch or tangle, but it will never break." Paano kung naisipang maglaro ng tadhana at sa dinami-dami ng tao sa mundo eh k...