[Chapter 36.2: Cleaning Up the Mess]

290 2 0
                                    

READ. COMMENT. VOTE.

----------------------------------------------------------------

[Jazz POV]

Sinisipa ko lahat ng bato at bote na madaanan ko ngayon.

Naiinis ako kay Sandra!

Paano niya nagawa yun? Tao pa ba siya sa lagay na yun?

Pagkatapos siya gaguhin nung lintik niyang ex at bestfriend, napatawad niya ng ganun-ganun lang?

Ano yun laro lang?

Kunwari walang nasaktan?

Paano niya nagawa yun? Argh!

"Sorry brad."

Ang tanga naman neto! Di ba niya nakikitang may taong padating? Babangain pa niya. Aish!

"Ano ba?! Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo."

"Excuse me lang brad ha, sa pagkakaalam ko ikaw ang hindi nakatingin sa dinadaanan mo."

"Anong--- Yro?!"

"Ja-Jazz. So-sorry brad. Di ko sinasadya."

"Wag mo nga ako matawag-tawag na brad. Di kita kaibigan."

"Tungkol nga pala dun - "

"Wag mo nang umpisahan. Ayoko ng gulo ngayon."

"Di naman kailangan maging magulo e."

"SINABI NANG WAG MO NANG UMPISAHAN DIBA? NANG GAGO KA. YUN NA YUN."

"Jazz hindi naman kasi sa - "

*boogsh*

"Sinabing tumigil ka na diba?! Di ko kailangan paliwanag mo. Gago."

"Kung di mo talaga kailangan ng paliwanag niya, bakit hanggang ngayon nakatayo ka pa rin diyan? Bakit hanggang ngayon di mo magawnag umalis sa pweston yan?"

Sino naman tong pakielamero na ---

"Aaron? Anong ginagawa mo dito? Wag kang mangialam dito."

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon