[Chapter 37: Confrontation]

290 1 0
                                    

MAHIWAGANG MENSAHE NI DORAEMON:

Guys! Eto na! Dahil mahal ko kayo eto na yung chapter kung saan....tentenenen...magkaka-harap na ang magkapatid! Hohoho! Pero sa chapter na rin kaya na to sila magkaayos...o baka naman lalo lang gumulo ang sitwasyon? Uh-oh. Better read it na lang :> Enjoy!

READ. COMMENT. VOTE.

---------------------------------------------------------------------------------

[Jazz POV]

Si Arie?

Si Arie ang rason kung bakit siya nagagalit sakin?

Mahal ako ni Arie?

Ke-kelan pa?

Ba-bakit hindi man lang niya sinabi sakin?

Tapos eto ngayon. Malalaman kong si Arie pala ang tinutukoy ni Jade simula noon pa.

Yung babaeng sobrang gusto niya pero may gustong iba at di niya magawang kalabanin kasi una pa lang talo na siya. Lintik. 

Nakitang kong lumabas si Jade at nagkasalubong yung tingin namin.

"So, you've been there from the very start, I guess. Kailan ka pa natututong maki-chismis, KUYA?"

"Bakit di mo sinabi sakin? Si Arie. Siya ang babaeng gustong-gusto mo."

"Bakit pa? Anong sense. Ikaw ang mahal niya. Kahit anong gawin ko di ko manakaw yung atensyon niya mula sa'yo. Pero eto ako ngayon, sinusubukan ulit nakawin yung atensyon niya mula sa'yo."

"Hindi mo siyang kailangang kunin sakin. Hindi siya akin."

"Pero ang atensyon niya at puso niya nasayo. Ikaw ang mahal niya hindi ako!"

Kitang-kita ko kay Jade na sobrang nasasaktan siya sa nangyayari. Naawa ako sa kapatid ko. Naranasan ko na ring masaktan minsan. Mas masakit pa dyan. Tipong pwedeng-pwedeng maging kayo pero mas pinili nung isang side na mag-let go kahit na alam niyo pareho na mahal ka pa rin niya. May solusyon naman sa sagot nitong gago kong kapatid e. Kung di ba naman makitid ang utak niya.

Nakita kong nag-closed fist siya. Alam ko na to. Ganito talaga siya pag nagpipigil ng galit.

Naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya ngayon...

"Sige suntukin mo ko. Binibigyan kita ng permiso ngayon. Go! What the hell are you waitng for!?"

*BOOGSH!*

*BOOGSH!*

*BOOGSH!*

[Arie's POV]

Tuluyan na kong napako sa kinatatayuan ko. Di ko alam kung ano magiging reaksyon ko.

Ako.

Ako ang dahilan ng lahat.

Ako ang dahilan kung bakit nasisira ang dating perpektong relasyon nilang magkapatid. 

Nakita kong lumabas si Jade at nadatnan niya si Jazz sa labas.

OMG.

May hindi magandang mangyayari.

And there you go, a fist fight.

Pero hindi gumaganti si Jazz. Hinahayaan niya lang si Jade.

Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ko pa rin talaga kayang gumalaw sa kinatatayuan ko.

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon