[Chapter 15: I'm Sorry]

401 3 0
                                    

READ. VOTE. COMMENT.

----------------------------------------------------------------

[Jazz POV]

Ugh. Mga limang minuto na ko dito sa parking lot pero di ko pa rin kayang bumaba. Shet. Oo na, nagui-guilty na ko. Kahit papaano may kasalanan pa rin naman ako sa nangyari sa babaeng yun. Engot naman kasi niya e. Bakit ba hindi niya sinabi sa kin? Di naman ako ganun kasama para di siya pagpahingahin. Aish.

Sige na bababa na nga ako…

1

2

3

*vrooooom*

Ofuck! Muntik na madali pintuan ng kotse ko dun a. Gago yun a.

Te-teka. Kotse ba ni Aaron yun? Ibig sabihin nag-solo flight din siya papunta dito? Pero bakit? Ganun ba kaimportante si Cassandra sa kanya?

Never ko pa kasi nakita yang mag-alala sa isang babae bukod kay Tita at Arie.

“Hoy! Villaflor! Balak mo bang gasgasan tong kotse ko?” 

“Sorry brad. Nagmamadali lang! Sige una na ko.”

Yun lang yun? Sorry tapos lalayasan ako? Psh. Gulo.

“Jazz! Kanina ka pa ba dito?” – Drew

“Ah? Oo."

“E ano pa ginagawa mo dyan? Bakit nakatanga ka pa? Tara na puntahan na natin si Cassie!” – Marco

“Asan si Kuya? Nandito na ba siya?” – Arie

“Ah oo. Nauna na. Nagmamadali nga e. Muntik pa nga gasgasan tong si Red e.”

“Ganun ba? Pag-pasensyahan mo na lang. O siya tara na.” – Arie

ROOM 421

“Hey Jazz! Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Di ka ba papasok?” – Ellie

“Hayaan niyo na nga yan. Tara na sa loob.” – Arie

Argh! Bakit  hindi ko magawang pumasok sa loob. Inaatake na naman ako ng konsensya ko. F*ck!

[Cassie’s POV]

Alas-onse na ng umaga andito pa rin ako sa ospital namin. Ayaw pa ko palabasin nila papa e pwede namang sa bahay na lang ako magpahinga. Nakakabagot naman dito e.

*toktoktok*

“Aaron?” 

“Ca-cassie. Gising ka na pala. Nabalitaan naming yung nangyari sa’yo. Kamusta ka na? Okay ka na ba?”

“Ah. Eh. Oo. Ayos na ko. Kaso ayaw pa rin nila kong palabasin. Nakakbagot na nga dito e. Hays. By the way asan ang barkada? Bakit ikaw lang mag-isa?”

“Ah. Parating na sila. Na-traffic lang. Di nakalusot sa stoplight e.”

“Ganun ba. Pasensya na nga pala a. Baka di kasi ako payagan bukas sa practice e. Alam mo na.”

“Ano ka ba? May sakit ka pa practice na agad iniisip mo. You should rest okay?”

“Okay. Sabi mo e.”

*toktoktok*

“Baka sila na yan.” – ako

“Cassiiieee! Ano nangyari sa’yo? Ayos ka na ba?” – Ellie

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon