MAHIWAGANG MENSAHE NI DORAEMON:
The title says it all! Yes. May rival band nga ang Encrusted Sync. Kung sino....ABA MAGBASA KAYO. HAHAHAHAHA. Ohwell, hindi basta-basta tong banda na to. May mga importanteng roles yung members niyan, aba. HAHAHA. Ohwell, basahin niyo na lang para malaman niyo :>
READ. VOTE. COMMENT
------------------------------------------------------------------
[Cassie’s POV]
This is it!
Eto na yung araw na magpe-perform ako kasama ang ‘Encrusted Sync’. Nakakakaba.
Inhale. Exhale. Inhale. Ex –
“HOOOOOOOY!”
“Aytinapadaingdilistuyo!”
“HAHAHAHAHA. Gutom ka ba Sandra?”
“Sandra? Nung isang araw Sandy. Tapos ngayon- “
“Ayoko na nun. Baduy e.”
“Buti alam mo. Kasing baduy mo.”
“Ano?!”
“Hey Guys! Ready na kayo?” – Lindsay
“Medyo kinakabahan.”
“Don’t be, girl. Keribels yan!” – Ellie
“Kaya mo yan Cassie. Di ka naman naming papabayaan e. Saka andyan naman si Jazz e.” – Marco
“Asa pa kayo. Bahala kayo dyan.”
“Napaka supportive mo talaga Caleb!”
“Alam ko.”
“Guys! Have you heard?” - Arie
“Heard what?” – Jazz
“Yung banda na inimbitahan ng lolo ni Ellie…”
“Is our rival band…’Enigmatics’” – Aaron
“WHAT?!” – Jazz
“Akala ko ba kaibigan ng lolo mo yung may ari ng Royaltine University?” – Drew
“Yea. Kaibigan talaga. Family friend. Pero…never thought na dun nag-aaral yung – “ – Ellie
“Wala na tayong magagawa. Nandito na sila. Galingan niyo na lang. Kahit di to laban kailangan natin ipamukha sa kanila na mali ang desisyon nilang tanggapin ang alok na mag-perform dito.” -Jazz
Teka nga lang. Ano daw? Rival band?
The Enigmatics? Hmm. Cool name huh!
Pero bakit ganun?
Kapangalan ng banda ni Austin?
“Psst. Lindsay. Sino yung Enigmatics? Cool ng pangalan ha.”
“Ssh. Wag na wag mo pupurihin ang Enigmatics kung ayaw mong mawalang ng banda.”
“Sino ba kasi sila?”
“Rival band natin. Wala akong masyadong alam tungkol sa kanila. Pero ang alam ko simula pa lang highschool kalaban na nila yun.”
“E? Bakit naman until now?”
“Because of Venice.”
Venice.
Siya yung nasa kwento ni Jazz nung isang gabi. Venice. Sino ba talaga siya?
“Si-sino ba si Venice?”
“Original female vocal ng banda.”
“E nasaan na siya?”
“Sabi nila pumunta daw New York para i-pursue ang modeling career. Aish. Iba na lang itanong mo.”
“Bakit naman?”
“Mas mayayarian tayo pag nahuli tayo ni Jazz na pinag-uusapan si Venice.”
“O-okay. So, ano ba ang Enigmatics? I mean, sinu-sino member nila?”
“Mukhang interesado ka talaga sa kalaban a? Sige, let me tell you kung sino sila.” – Aaron
“A-AJ! Sorry sorry. Hindi ko naman – “
“There’s nothing wrong on asking. Highschool pa lang kami kalaban na namin ang Enigmatics. Ewan ko ba. Sila ang laging naghahamon. Siguro kasi mainit lang talaga yung dugo ng leader nila kay Jazz.”
“Bakit naman?”
“Dahil kay Venice. May gusto yung leader nila sa kanya nagkataon na girlfriend ni Jazz si Venice.”
Ooooh. Ex niya pala. Kaya pala ayaw niyang pinag-uusapan.
“Pero after ng graduation namin, nabalitaan namin na lumipad ng Australia ang pamilya nila para doon ipa-rehab si Aldrin.”
Te-teka nga. Bakit ganun?
Australia.
Aldrin.
Bakit lahat may konekta kay Austin…di kaya?
“But after a year bumalik yung kapatid niya. Si Austin. At eto sila ngayon. Malamang alam nilang dito kami nag-aaral at natunugan nila ang performance namin. Bumabalik sila na may mga bagong kasama.”
“Bagong kasama? What do you mean Ron? And how did you know all of that? Kung sino yung pumalit sa place ni Aldrin?” – Lindsay
“Sources.” – AJ
Nabitawan ko yung basong hawak ko.
Austin. (Picture at the side . Portrayed by Choi Minho >>>)
Bumalik na siya?
At siya ang leader ng rival band namin?
Shet naman.
Sabihin niyo nananaginip lang ako.
God naman, di pa ko handa makita siya. Bakit ngayon pa?
Isa pa…is she with…
Ales?
---------------------------------------------------------------
MAHIWAGANG MENSAHE NI DORAEMON:
Holaaa! Kamusta naman ang update ko? Wew. Who's Austin? Sino nga ba siya sa buhay ni Cassie? Who's Ales? Anong papel ang ginagampanan niya sa story na to? At sino pa yung ibang member ng bandang 'The Enigmatics'? Abangan next chapter! Woot! Next chapter ay malaking pasabog... BOOM!
BINABASA MO ANG
The Red String of Fate
Teen Fiction"An invisible red thread connects those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumstance...The thread may stretch or tangle, but it will never break." Paano kung naisipang maglaro ng tadhana at sa dinami-dami ng tao sa mundo eh k...