[Chapter 28: Her Story]

339 2 0
                                    

MAHIWAGANG MENSAHE NI DORAEMON:

Eto naaaa. Kung dati past ni Fafa Jazz ang nalaman natin, ngayon kay Princess Cassie naman :') Ano nga kaya ang nangyari sa kanila ni Austin? Hmm. Tara at tayo'y magbasa na! :)

READ. COMMENT. VOTE.

------------------------------------------------------------------------

[Aaron’s POV]

Ilang minuto na ko paikot-ikot sa buong campus pero di ko pa rin makita si CJ Asan na ba kasi siya? Nag-aalala na ko.

“CJ! CJ! Asan ka?! Si AJ to! Magpakita ka naman o! Please, CJ!”

“Aaron?” 

“Eya. Zyra. Buti nakita ko kayo. Nakita niyo ba si CJ?”

 “Hinahanap nga rin namin. Malamang alam na niyang nakabalik si Austin.” – Eya

“Shit. Saan ba madalas magpunta sa CJ pag depress siya?”

“Hmm. Ah! Sa dati naming school. St. Joseph’s Academy. Sa may garden. May tree house na ginawa doon si babe madalas dun naming nakikita si Cassie pag malungkot siya.” – Zy

“Okay. Thank you. Una na ko. Thanks ulit.”

“No problem. Pasayahin mo kaibigan namin a. Alam naming wala kaming magagawa sa ngayon dahil usapang Austin yan. Malabong makausap siya ng matino. Pero diba wala namang masama kung ita-try mo? So goodluck.” – Eya

 Nag-drive ako papunta sa St. Joseph’s Academy. Bukas ang mga ilaw sa campus. Mukhang may event din dito a.

“Excuse po manong. Ano pong meron sa loob?” tanong ko sa guard ng gate.

“May presentation po ang Elementary students, sir.”

“Ganun ho ba? Pwede ho bang mag-park sa loob? Andyan kasi yung ate ko e.” psh. Alibi. I hate doing this. 

“Sige ho sir. Welcome ho kayo.”

Hinanap ko agad ang garden. At nung makita ko yun sinunod ko ang tree house. Tae naman o. Ang daming puno. Mukha na kong tanga kakatingala. Anong puno ba ang may tree house dito? 

*lakadlakadlakad*

*huk.huk.huk.*

 May narinig akong umiiyak. Di kaya…

Sinundan ko yung tunog at di nga ko nagkamali. 

 “AJ? Paano mong -?”

 Di ko kayang makitang umiiyak si CJ kaya niyakap ko agad siya. Sabi nila mas epektib daw ang yakap sa pagco-comfort kesa salita.

“Sssh. Di na importante kung paano ko nalaman. Ang importante nakita na kita. Hindi kita pipiliting bumalik pero sana hayaan mo muna kong mag-stay dito… kasama mo.”

[Cassie’s POV]

Si AJ.

Nandito siya.

Hindi ko alam kung paano niya ko nakita pero masaya akong nandito siya. Masaya akong isipin na may isang taong dumadamay sakin ngayon. Hindi ko alam pero sobrang nakakatulong yung pagyakap niya sakin. Sobrang komportable sa pakiramdam. 

“A-AJ. Salamat. Salamat kasi nandito ka. Kasi may karamay ako.”

“Wala yun CJ. Alam mo namang kaibigan kita diba? Saka sobrang nag-aalala na ang barkada sa’yo.”

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon