READ. COMMENT. VOTE
-----------------------------------------------------------------------------
[Cassie's POV]
Andito ako ngayon sa may cabana. Wala lang. Moments sa sarili ko.
Lol. FA ang peg?! HAHA.
Di naman. Gusto ko lang i-enjoy yung view. Malapit na rin kasi ang sunset e. Inaabangan ko lang.
"Ang emo naman o!"
"Aytinapa ka!"
"Pwede namang bangus. Atleast yun favorite ko."
"Austin?"
"Ay hinde."
"Psh. Ano ginagawa mo dito?"
"Nagso-solve ng math problem."
"Ano?! Hala. Pumunta nga tayo dito para magbakasyon mula sa mga - "
"Hanggang ngayon ba naman Cassandra ang slow mo pa rin sa ganitong usapan?!"
"Ha?!"
"Aish! Wala. Ano ginagawa mo dito? Bakit mag-isa ka lang?"
"Wala lang. Papahingin? Saka hinhintay ko yung sunset."
"Ah. Pwedeng sumama sa panonood mo?"
"Haha. Oo naman."
[Austin's POV]
"Cass/Austin"
"Ladies first."
"Naks. Meganon? Haha. Wala lang. Kakamustahin ko lang kayo ni Ales."
Ineexpect ko ng ganito yung itatanong niya sakin. Haist...
"Ayos lang naman kami."
"Mahal mo siya?"
Pero ito, nagulat na talaga ako.
Ba-bakit niya naman tinatanong kung mahal ko si Ales?
Mahal pa kaya niya ko?
Makikipagbalikan ba siya sakin?
Aish! Austin! Asa ka pa! Tumino ka nga!
"Ha?"
"Alam mo kahit kailan unfair ka. Psh."
O ako na naman? May nagawa ba ko?
Ano na naman ba tong binibintang sakin nitong babae na to.
Unfair. Ako? Di naman a.
"Ano na naman ginawa ko?"
"Kung ako slow sa mga kapilosopohan mo, ikaw slow sa mga nararamdaman ng iba."
"Meganun ba?"
"Meron. Wag ka nang umangal. So, mahal mo ba siya? Wag mo na nga lang sagutin"
"Sinusubukan ko naman Cass e. Kaso - "
"Kung ano man yang rason mo tigilan mo na. Ibigay mo yang atensyon mo sa kanya kasi sa bandang huli kayo rin naman e. Pero kailangan simulan mo na ngayon. Make a move man!"
BINABASA MO ANG
The Red String of Fate
Teen Fiction"An invisible red thread connects those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumstance...The thread may stretch or tangle, but it will never break." Paano kung naisipang maglaro ng tadhana at sa dinami-dami ng tao sa mundo eh k...