[Chapter 36.3: Cleaning Up the Mess]

297 1 0
                                    

READ. COMMENT. VOTE

---------------------------------------------------------------

[King's POV]

Noong nakita ko na si Cass sa audience, sinimulan ko nang kumanta. Para sa kanya talaga yung kantang to. I composed it months ago.

Oo tama kayo.

I'm still in love with my ex-girlfriend.

Kahit na naghiwalay kami never pa rin siyang nawala sa puso  ko.

Alam ko unfair kay Ales pero wala akong magagawa sa ngayon.

But I'm trying my best to let go. To move on. Alam kong wala ng pag-asa. 

HAHA. Tanga ko rin noh?

Arranged na nga kami ni Ales, umaasa pa rin akong dadating yung araw na maibabalik ko pa rin yung dating kami ni Cass.

Sobrang minahal ko yung baliw na yan.

Di ko nga alam paano ko nakayanang wala siya sakin sa loob ng isang taon e. 

I've been with her since then.

Never naman akong bumalik sa Australia after graduation e. Di ko kayang iwan siya dito basta-basta.

Lagi akong nakabuntot sa kanya. Di niya lang alam.

Kung nasaan siya, andun ako.

HAHA. Creepy ba pakinggan? Sorry naman. Mahal ko lang talaga siya.

Bawat galaw at kilos niya bantay ko. Lalo na nung bakasyon.

Pero nung nag-umpisa na ang college life niya, bihira ko na siyang mabantayan.

Ayoko namang pumasok sa university na papasukan niya.

Sinira ko na nga yung high school life niya pati ba naman college? 

Kaya nung nalaman kong gusto kaming imbitahan ng principal ng school nila para magperform sa welcoming program ng freshmen, pumayag na agad ako. Rason na rin to para makita ko si Cass.

Kahit na alam kong hindi pa rin niya ko napapatawad.

Nung gabi na yun, nakita ko si Cass.

Masaya.

Masaya siya kasama ang Encrusted Sync.

Masaya siya kasama si... Jazz.

Nagselos ako nun. Dati kasi ako ang nandun e. Ako yung nagpapatawa sa kanya. Ako yung nagpapakalma sa kanya. Ako ang buhay niya.

Weh? Nasanay lang siguro ako.

Nung nakita ko yung ngiti niyang yun, di ko naiwasang ngumiti na rin.

Nakakamiss.

Gusto ko nga mag-back out sa performance e.

Masaya na si Cass, bakit ko kailangan pang magpakita pa. Magugulo lang ang buhay niya.

Pero pinigilan ako ni Jade.

Gusto niyang mag-perform.

Gusto niyang patunayan kay Arie na mas higit siya kay Jazz.

Ewan ko ba dyan. Nagagaya na kay Kuya. Psh.

So eto ako ngayon, kumakanta, nakatingin sa babaeng pinakaminahal ko at pinakaiingatan ko.

Pero wala na siya ngayon sa kin. Hindi na ko ang nagmamay-ari sa kanya.

Mahalaga siya sakin kaya mas pinili ko ng maging magkaibigan kami.

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon