[Chapter 66: Her Cold Side]

308 2 0
                                    

MAHIWAGANG MENSAHE NI DORAEMON:

At dahil sinisipag ako ngayon, eto na ang update! Enjoy reading guys! Last 4 chapters + Epilogue. Wew. Sana magustuhan niyo tong UD ko ;)

READ. VOTE. COMMENT.

---------------------------------------------------

[Cath's POV]

"Hindi pa rin ba siya gumigising?"

"Aaron, ikaw pala. Hi-hindi pa eh. A-aron.. magiging okay naman si ate di ba?"

"Yes of course, Cath. Sabi naman ng doctor hindi ganoong napuruhan si CJ. Buti na lang shunga yang ate mo. Muntik na niyang masakto sa pulso yun ah."

Oo, tama kayo, naglaslas nga si ate.

Nung unang sinabi sakin ni kuya hindi ako naniwala. Kilala ko si ate, di niya magagawa yun. Pero wala eh, andito siya ngayon sa ospital.

Sa totoo lang hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na.. yung ate na nasa harap ko ngayon..eh hindi ko pala tunay na ate. Nakakalungkot. Parang ang sakit.

All this time kasi siya lang ang tinuring kong ate. Minahal niya ko ng paraang tunay na kapatid at gayundin ako. Ayokong isipin na totoo yung mga to pero wala eh, andito na tayo.

Nabanggit din sakin ni kuya na bago mangyari to, sobrang iyak ng iyak si ate. Wala siyang kinakausap o pinakikinggan. Hindi ko alam kung swerte ba ko at wala ako nung oras na yun kasi hindi ko nakitang nagkakaganun si ate, di ko kayang makita siyang ganun. O malas kasi, hindi ko siya nagawang damayan. 

"She'll be alright."

"Kaya yan ni bestfriend, kilala ko yan, di yan agad susuko."

Kumpleto nga rin pala ngayon ang barkada dito. Syempre alam na rin nila at tulad namin pare-pareho kaming nalulungkot at di makapaniwala.

Ilang oras ang lumipas...

"Hmmm.."

Lahat kami napatingin sa kanya..

"A-ate..ate gising ka na ba? Ate..."

"OMG, Cassie, a-ayos ka lang ba?"

"Bu-buti naman gising ka na, CJ."

Nang buksan ni ate ang mata niya..para bang..kinilabutan kaming lahat..

A-ang lamig..ang lamig ng tingin niya.

Walang kahit na anong ekspresyon ang makikita sa mata niya.

Tinignan niya kami na para bang...wala lang kami sa kanya..

"A-ate..ayos ka lang ba?"

Pero imbis na sagutin niya ko..mabilis siyang tumayo at tinanggal ang dextrox na nakakabit sa kanya...

"Cassie, a-ano ba yang ginagawa mo? Sa-saan ka ba pupunta?"

Nanatili lang siyang nakatayo at nakatingin samin na para bang hindi makapaniwala..

Ilang minuto ring bumalot ang katahimikan sa min ngunit agad din namang winasak ng isang napakalamig na boses..

"Don't act as if you do care."

Sabay umalis na siya sa room at iniwan kaming gulat-gulat.

----------------------------------------------------

[Cassie's POV]

Nagising ako at ang una kong nakita..?

Mga mukha nilang sobrang nag-aalala.

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon