[Chapter 43.1: The Decision]

301 1 0
                                    

READ. COMMENT. VOTE.

Drew Benitez at the side. Portrayed by Okada Masaki. >>>

------------------------------------------------------------------------------------------

[Drew's POV]

Nandito ako ngayon sa may Stabucks iniintay ko si Ate Shann. Haist. Sana matulungan niya ko. Para maging okay na ulit kami ni Ellie.

 "Drew!"

"Ate Shann. Buti nakapunta ka. Pasensya nga pala sa istorbo a."

"Ayos lang noh."

"Eto nga pala binilhan na kita ng Frapuccino. Paborito mo yan diba?"

"Naks. Naaalala mo pa pala. Thanks a. So, ano ba pag-uusapan natin at parang sobrang urgent naman ata."

"Uhm, ate, I need your help."

"Hm. For what?"

"Ellie. Gu-gusto ko na kasing ibalik yung dati ate e. Hirap na hirap na ko. Di ko na kayang tiisin pa si Ellie. Ate, isang school lang kami. Isang banda, isang barkada. Ang sakit sakit na dito e. Ayoko na. Pwede bang umatras na lang ako sa pangako? Pwede ba yun ate?"

"Haist. You know what, kaya botong-boto ako sa'yo e. Kahit na nagawa mong layuan ang kapatid ko never mo siyang nakalimutang mahalin. Kahit na ikaw yung dahilan kung bakit muntik na siyang mawala samin. Alam ko namang ginawa mo yung racing na yun dahil napasubo ka lang. Ayaw mo siyang mabastos. Oo, mali ka dun. Kasi may choice ka e. May choice kang wag na lang makipaglaban. Pero ginawa mo pa rin. Kasi mahal mo ang kapatid ko. Sobra pa sa sobra. Naiintindihan ko yung part na yun."

 "Salamat ate. Salamat kasi naiintindihan mo ko."

"Oo naman noh. Alam mo ba nung araw na gumising si Ellie ikaw agad ang hinanap niya? Hanggang makauwi kami ikaw lang bukambibig niya. Sobrang mahal ka ng kapatid ko. Naawa nga ako sa kanya e. Iyak lang siya ng iyak nung time na yun. Ayaw rin naman siyang palabasin nila mama at papa.Hindi na rin siya nakain. Pag umuuwi siya galing school didiretso agad siya sa kwarto at magkukulong. Doon ko nalaman na iniiwasan mo na pala siya. Na tinupad mo yung pangako mo kaila papa. Alam mo that time nainis ako sa'yo. Akala ko ba mahal mo kapatid ko? Bakit mo siya iniiwasan? Pero sa bandang huli na-realize ko, para rin sa kanya yung ginagawa mo. Iniiwasan mo siya para malayo siya sa gulo. Sa pag-iwas mong yun alam kong alam mong dun kayo tatagal. Kasi once na lapitan mo ulit si Ellie alam kong ilalayo siya ni mama at papa. Ginawa mo yun para pa rin sakanya. Ayaw mo siyang mawala sa'yo. Ganun mo kamahal ang kapatid ko. Tama diba?"

 "Alam mo ate kaya mahal kita e. Alam na alam mo takbo ng utak ko. Oo, sobrang mahal ko nga si El. Di ko alam gagawin ko once na ilayo siya sakin nila Tito kaya mas pinili ko na lang na ako na ang iiwas. Kaso mapaglaro ang tadhana e. Maliit ang mundo. Buti nga pumayag sila Tito na maging magkaibigan pa kami. Masaya na ko dun. Pero ate, dati yun e. Dati kuntento akong nakikita ko lang siya. Nakakausap kapag may jamming. Pero ngayon hindi na. Ate, di ko na kaya. Ayoko na. Gustong-gusto ko ng umatras sa usapan. Miss na miss ko na si Ellie. Yung dating kami."

"I understand. I'll help you. C'mon."

 "San tayo pupunta?"

"Sa bahay."

"Bahya niyo? As in ngayon na?"

"Oo. Bakit? Kailan mo ba gusto. This is the right time. Andun sila lahat. You can discuss things. Sabihin mo sa kanila this time seryoso ka na. Ask for a second chance. Susuportahan kita don't worry. Para kay El din to noh. Alam kong mahal na mahal ka pa rin nun. Isa pa miss ko na kulitan at lambingan niyo e. Kaya dali na. Taralets!"

The Red String of FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon