MAHIWAGANG MENSAHE NI DORAEMON:
Hello new character! Woot! Ano kaya ang magiging papel niya sa storya no to? Hmmm. Let's see..tayo'y magbasa na! :)
READ. COMMENT. VOTE.
-------------------------------------------------------------
[Cassie’s POV]
Aish! Kasalanan ni Caleb kung bakit kailangan ko maglinis dito sa rooftop na to e. Ang kulit-kulit kasi yan tuloy nagka-punishment pa kami.
(Flashback)
“Amin na kasi yang cellphone ko Caleb! May mga importanteng bagay dyan. Amin na kasi.”
“HAHAHA. Get it. Kung kaya mo. Here. Talon dali. HAHAHA. Pandak mo talaga Sandra! “
“Caleb naman kasi e. Ano ba kailangan mo dyan ha?”
“Eto o, picture mo nung bata ka pa. HAHAHA. Yuck ang pangit mo nun Sandra!”
“WAAAAH. Caleb naman. Saka hindi ako panget noh! Cute ako, cute! Palibhasa ikaw panget!”
“Ano sabi mo?! Ah ganun. Pakibuksan nga mga Bluetooth niyo dyan! May ise-send ako sa inyo.”
“WAAAAH. Gwapo ka na Caleb. Sobrang gwapo mo sige na naman balik mo na sakin cellphone ko.”
“Ayoko nga. Bleh. Habulin mo ko.”
“Caleb Jazz! Naman!”
“Mr. Montecillo! Ms. Dela Cruz! What are you doing here in the garden? Kakatapos lang ng breaktime niyo. Same class kayo hindi ba? Kanina pa nag-umpisa ang klase niyo. Cutting kayo. Come with me for your punishment.”
(End flashback)
At ayun eto ang parusa namin. Choge. Alam ko mukha kaming batang ewan ni Caleb. Ewan ko ba dun. Isang buwan nang nakalipas simula nung umalis sila Lindsay at isang buwan na ring ganyan makitungo sa kin yang Caleb. Tinapa. Bumabalik sa pagkabata. Lagi akong inaasar. Mas gusto ko pa yung lagi akong sinusungitan e. Psh.
Kung asan siya?
Andun sa garden nagre-relax. Peste. Di man lang ako tulungan dito. Argh!
Dami-daming plastic bottles ano ba yan. Mabato na nga lang sa basurahan nakaktamad na maglakad.
1
2
3
“ARAY!”
Hala may natamaan ako...
O____________O
Tangna.
Sorry for the bad word... pero kasi... Sabi nila mama wala daw taong perpekto sa mundo.
Di nga? E ano tong nilalang na nasa harapan ko?
Ang gwapo teh. Parang inukit lang.
“Are you going to look at me all this time?”
“Ha? Ah. Eh. Oo. Ay este hindi. So-sorry nga pala. Di ko kasi alam na may tao dyan e. Masakit ba? Gusto mo dalhin na lang kita sa clinic?”
“No. It’s okay.”
“A-ano ba kasi ginagawa mo dyan? Ba-bago ka ba dito? Nga-ngayon lang kasi kita nakita e.”
BINABASA MO ANG
The Red String of Fate
Teen Fiction"An invisible red thread connects those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumstance...The thread may stretch or tangle, but it will never break." Paano kung naisipang maglaro ng tadhana at sa dinami-dami ng tao sa mundo eh k...