READ. VOTE. COMMENT.
----------------------------------------------------------------------
[Cassie's POV]
Pagpunta namin dun sa may beachside... oo na natulala na naman ako. Jusko. Bakit ba di ako na-informed na magaling sa surprises tong si Caleb.
Candle lights sa may sand.
Tapos may nakalatag na mat.
May mga pagkain saka drinks.
Tapos may gitara.
Sobrang simple pero ewan ko, sobrnag saya ko. Para sakin wala ng dadaig pa sa surpise ni Caleb sakin this night.
Iba talaga kapag yung taong gusto mo na ang gumawa ng mga bagay na to para sa'yo.
"Flowers."
"Thanks."
"Tara dun tayo. Para naman maka-relax na ang bithday girl."
"Alam mo ikaw, di mo man lang nabanggit sakin na may hidden talent ka pala sa surprises. Ikaw na talaga. Creative masyado."
"Di nga ko nakapaghanda e. Psh. 2 days. Sino makakapaghanda dun. Sorry nga pala a. Sobrang plain. Wala pang masasarap na pagkain. Off na kasi ng ganitong oras yung chef nila e."
Grabe a! Di pa siya handa sa lagay na to For real? 2 days. Sobrang ganda na nga nito for 2 day preparation e.
"Sure kang di ka ready dito?"
"Oo. Kulang-kulang nga e. Pero buti naman nagustuhan mo."
"Gustong-gusto. Alam mo kasi Caleb mas okay ako sa ganitong set up. Di awkward. Simple lang. Kahit na chichirya at lutong bahay yang ulam natin ayos lang. Kahit softdrinks ang panulak at hindi red wine. Effort mo to e. And every effort counts. The little things count the most. Oha!"
"Naks. Gumaganyan ka na ngayon. Gutom ka na ba? Wanna eat first?"
"Sure. Mukhang masarap yan e."
"Hmm. Sabi na nga ba e ang sarap. Pero bakit ganun... parang... familiar yung lasa. Luto mo ba to?"
"Ah. kasi ano.. I'll be honest kahit na nakakhiya. Pero wag ka tatawa. Promise mo yan!"
"O-okay?"
"Kasi ano....si.....si...si Jiro kasi nagluto niyan. Di ako marunong magluto e kaya naisip kong magpaluto sa kanya. Mukha kasing nasarapan ka sa luto niya noon sa resto booth e. Di bale pag-aaralan ko yung recipe niya noh! Matututo din ako magluto."
"Pffft, HAHAHAHAHAHAHA. Sorry. Alam kong HAHAHAHAHA nagpromise ako na di ako tatawa peo kasi HAHAHAHAHA."
"Psh. Oo na sige na libre tawa na." Pasalamat ka mahal kita.
Ano daw? Parang may binulong siya e. May narinig ako e.
"Kita".
o diba may sense -.-
"May sinasabi ka?"
"Wa-wala a. Psh. Kumain ka na lang."
"HAHAHAHAH. Okay, pero sorry talaga Caleb. Kasi naman HAHAHAHA yung mukha mo parang nalugi e tapos biglang nagshift sa batang nangako sa nanay niya na ipe-perfect niya yung spelling test nila. HAHAHAHA"
BINABASA MO ANG
The Red String of Fate
Teen Fiction"An invisible red thread connects those who are destined to meet, regardless of time, place, or circumstance...The thread may stretch or tangle, but it will never break." Paano kung naisipang maglaro ng tadhana at sa dinami-dami ng tao sa mundo eh k...