Taehyung's POV
Papasok sana ako sa tambyan namin dahil nakalimutan ko yung ipod ko ng may narinig ako
"Patay ako nito hyung. Pano ko to matatakpan mamaya sa work ko dalawa panaman yun. Lalo na mamayang gabe" nag aalalang sabi ni jungkook kay jin. Ginagamot nito ang mga sugat nya
"Absent ka muna" sabi jin sakanya at nakita kong pumiling si Jungkook
"Di pwde hyung alam mo namang may pinagiipunan ako diba. Dipa nangagalahati yung ipon ko para matubos namin yung nakasanglang lupain namin. Ilang months nalang yun kaya todo kayod ako." Nabigla ako sa mga sinabi nya. Di pala biro ang gawain nya.
"Hala hyung 12:30 na hyung di ko pa alam kung pano takpan mga sugat ko" natatarantang sabi nya. Nakita kong may kinuha si Jin sa bag nya.
"Ito concealer~" diko na pinatapos yung sinabi ni jin at umalis na.
_______________________
Yan yung mga narinig ko kanina at ang dahilan kung bakit ako nacurious kung ano ang mga trabaho nya. Shempre para di nya mahala tang ehem na consern ako sakanya este guilty pala may halong pang iinis pa rin yung way ko. Di naman kasi ako ganoon kasama."Yaaaah. Anong ginagawa mo" sabi ni jungkook na nasa lap ko at tangkang tumayo pero napigilan ko sya.
"Too slow" bulong ko at kumuha ng chicken at dinip ko ito sa gravy at "ahhh" sabi ko kay jungkook na pinapanganga sya. Susubuan ko sya.
Ngumanga sya at kumagat sa manok. Pero dahil may gravy ito may natira sa gilid ng labi nya at dinalaan ko yan na kinagulat namin pareho. Pero diko pinahalata yun at nag smirk sakanya.
Hinampas nyako ng malakas sa dibdib. "Bakit mo ginawa yun?" Medyo galit na sabi nya at tinignan ang orasan sa kamay nya.
"Oh my 7:00 na baka hinahanap nako ni mama" sabi nya at tumayo sa lap ko. Nag bow sya ng mabilis. "Have a nice meal po sir" sabi nya at aalis na sana pero pinigilan ko sya sa pamamagitan ng pag hawak ng wrist nya.
"Hatid na kita" sabi ko na ikinabigla nya. "Huh? Di na kailangan kaya ko na." Pag tatangi nya. "I insist" sabi ko at pinack na yung sobrang pagkain na di pa nagagalaw at sinama ko palabas si jungkook na nagpupumiglas parin.
Pwersahan ko syang pinasakay sa sasakyan ko at pinaandar ito. "Saan yung bahay nyo?" Tanong ko sakanya pero kinha nya lang yung phone ko at nag type duon pagkatapos nilagay nya sa may lagayan ng phone tinype nya pala sa gps.
Halos 30 minutes yung drinive ko at 5 minutes lang pala ang layo ng bahay ko sa kanila.
"Salamat" tipid na sabi nya na may tipid na ngiti bago sya bumaba. Na wirduhan ako ng konte. Akala ko ba may dalawa syang trabaho. Nakakaisa palang sya ee.
Naghanap ako ng lugar na di nya makikita pero makikita ko sya. Mag hihintay ako.
10 na at antok na antok nako ang hirap labanan ng antok. Mukhang di na papasok yun kung sa ano man ang trabaho nya. Aalis na sana ako ng makita kong unti unting bumulas yung gate ng bahay nila at niluwa nun si jungkook.
Dahan dahan nya din itong sinara at nag lakad na. Diko alam kung susundan ko ba sya ng naglalakad o mag dridrive ako. Pinili ko yung lakad. Pag nalaman ko na yung destinasyon nya duon ko na kukunin yung sasakyan. Pero 5 minutes palang kaming naglalakad binalikan ko na yung sasakyan ko. Dapat pala ng motor nalang ako. Pero sabagay maingay yun. Pinatay ko yung front light ko para di nya mapansin sobramg layo ng distansya ko sakanya.
After 30 minutes ng paglalakad nya. Wow nakaya nya yun. Nakaratin sya sa isang disenteng bar. Bakit ko nasabi yun? Dahil side business ito ni yoongi pero iba yung nag mamanage nito.
Pero iba si jungkook. Kakalipat lang nila dito sa seoul alam ko pero andali nyang nakapasok sa mga trabaho nya.
Pinark ko na yung sasakyan ko at after ilang minutes duon ako pumasok. Pagpasok ko shmpre yung malakas na music ni yoongi yung maririnig mo joke lang music na hiphop. Pumunta ako sa stool bar. At umorder ng tiquila.
Kilala ako dito wag kayo. Biglang tumigil ang malakas na tunog at may nagsalita sa harap. Tinignan ko ito kung sino at nanlaki ang mata ko.
"Hi sa inyo? Enjoy ba kayo? Mas lalo kayong mag eenjoy pag nagkanta na ang pinaka cute na bago nyong singer hahaha. Kung may request kayo wag mahihiya" sabi ni Jungkook ng may ngiti sa labi at nag wink pa. Napatulala ako dahil ang ganda nyang tignan.
Diko expect na performer sya. Akala ko waiter lang sya dito pero shet. Nag start ng mag strum ng guitar yung guitarista dito. Dalawa lang silang nasa stage. Yung singer na si Jungkook at yung guitarista.
"Haharanahin ko yung mga puso nyo. Kung may sawi man dito pesensya na at papaibigin ko muna kayo sa kanta haha" sabi nya ng naka ngiti. Bakit ang ganda nya sa paningin ko?
' minmasdan kita ng di mo alam.
Pinapangarap ko na ika'y akin.
Mapupulang labi,
At matingkad mong ngiti
Umaabot hanggang salangit'Fuck bat ang ganda ng bosis nya. Feel na feel nya din. Diko alam na talented pala sya. Biglang bumilis yung puso ko sa nakikita ko.
Yung puso kong akala ko pinatay na nya bat pumipintig ulit ngayon. Di pwde ito taehyung masasaktan kalang ulit. Sasaktan kalang nila. Gagamitin lang nya ang kahinaan mo.
Tumayo ako agad at lumabas na dahil sa mgs iniisip ko. Tsk masama to. Kailangan di ako lumambot sa kanya. Di ko kakayanin pag may isa pang taong mananakit sa akin. Dapat ako ang nanakit.
Pinalakas mo na ang sarili mo taehyung wag mong hayaan na lumambot nanaman ito dahil sa lintik na pag tibok lang ng puso mo. Wag mo ng papasukin pa ang love na alam mo naman ay FAKE LOVE tapos yung sayo totoo. Tama na yung isang beses kanang nilako.
Isang beses na iniwan ng luhaan. Isang beses na ipinagpalit. Wag ka ng maging mabain kay Jungkook.
________________________________
A/n: How are you?
First day of school is suck. Anyways. Sorry i know this chapter is boring. I will make it up to you 😘
BINABASA MO ANG
When the BADBOY FALL INLOVE
FanfictionHe's a badboy and I' m one of his bully. And i hate him to death. But what if he fall in love with me? can i return it? or i get my revenge on him by breaking his Heart? find out. badboy Top: Tae bullied Bottom: Kook