Chapter 20 (Last Part)

1K 29 2
                                    

Taehyung's POV

(A/n: ito po yung araw na hinintay ni Tae si kook nung nag cr ito. Nais ko lang malaman nyo yung side ni Taehyung)

Nandito ako ngayon sa gilid ng pader ng cr nakasandal hinihintay ko kasing lumabas si Jungkook ewan ko ayoko syang samahan kasi baka may magawa ako sakanya. Ma rape ko pa yan. Joke lang shempre. Nirerespeto ko sya na para bang babae.

Sa mga nag daang araw para sya yung naging mundo ko. Sobrang saya ko pag kasama ko sya. Yung feeling na ayaw mo ng mahiwalay sakanya kahit sandali lang kasi parang may kulang pag wala sya. Yan yung nararamdaman ko everytime na ihahatid ko na sya sa kanila. Kaya pag kadating ko sa bahay tatawagan ko sya agad para mapanatag at marinig ang maganda nyang tinig. Iniisip ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kung pag mamahal na ba talaga to para  sakanya o katulad ng ng sabi nila pampalimot ko lang  sya.

Natigil ang pag iisip ko ng may taong humarang sa harap ko. Tinignan ko ito at lalo akong naguluhan na ewan.

"Tae pwede ba tayong mag usap" tanong ng babaeng minsan ng iniwan at sinaktan ako. Oo si Vannesa nga. Dahil i wanna make things clear tumingin ako sa pintuan ng banyo at wala pa si Kookie kaya tumango ako kay Van at nag lakad sya. Sinundan ko naman sya.

"Anong kailang mo?" Walang buhay kong sabi sakanya.

"Ikaw mahal pa kita. Tayo nalang ulit. Ayusin na natin to! Pinapatawad na kita" prangkang sabi nya na ikinabigla ko.

"Alam mong ikaw yung nang iwan nun Vannesa. Kaya wala ka ng babalikan" may diin na sabi ko sa bawat salitang binitiwan ko.

"At yung ang bagay na pinag sisihan ko. Mahal pa kita Taehyung hanggang ngayon. Sana mapatawad moko at bumalik ka sa akin." Pagka sabi ni vannesa nun hinalikan nya ako sa labi. Nabigla ako di dahil sa halik kundi dahil sa naramdaman at na realize ko.

Hinayaan ko syang halikan nyako di ako nag pumiglas o ano paman lalong di ako humalik pabalik ni ipinikit man ang aking mata. Napansin nya siguro to kaya sya mismo ang humiwalay sa akin.

Tinignan ko sya ng seryoso sa mata. At sinabi ang katagang totoo kong nararamdaman " Sorry pero may mahal na akong iba" sabi ko ng diretso sa mata nya. Nakita ko naman ang pagtulo ng luha nyavpero awa lang ang naramdaman ko at alam kong di ito pag mamahal. Nag sorry ulit ako sakanya at umalis na. pero pinigilan nya ako sa pamamagitan ng pag hawak nya sa braso ko kaya tinignan ko sya.

"Di ako naniniwala. Di ka ganoong tao. Alam kong di mo kayang itapon 14 years na pinagsamahan natin.  Sabihin mo tae! Diba ginagawa mo lang to para makaganti sa akin pero ako pa din ang mahal mo diba?" Parang naiinis ako dahil sa sinabi nya kaya pwersahan kong inialis ang pagkahaw nya sa braso ko.

"Ikaw nga nagawa mo kong iwan ng ganon ganon lang e! Buti nga kinakausap pa kita ngayon dahil ayokong gawin ang nagawa mo sa akin!" Sigaw ko sakanya. Alam kong nasasaktan ko sya dahil sa mga luhang patuloy na pumapatak sa mata nya.

"Di mo naman kasi alam.  Wala kang alam!" Galit din nyang sigaw sa akin.

"Bakit ano bang hindi ko alam bat di mo sabihin! Ano nga bang malaking dahilan mo nun at nagawa mokong iwan?" Malumanay na tanong ko na sakanya. Pero yumuko lang sya.

"I can't tell you!" Sabi nya habang nakayuko. nasuntok ko naman yung Puno sa malapit sa pwesto namin na ikinabigla nya. Nagawa ko yung dahil sa inis dahil sa ugali nyang yan.

"Yan ang hirap sayo di mo sinasabi sa akin kahit nuon pa man ang problema mo. Ngayon Vanessa nais ko lang ipabatid sayo na tuluyan na tayong malaya at wala ka ng aasahan sa akin. Sana maging masaya ka na din, Salamat sa mga alala, saya, at sakit na ibinigay mo sa akin. Mananatili ka parin sa akin pero bilang nakaraan ko na lang." Sabi ko at binigyan sya ng last hug at umalis na.

Nag simula nakong hanapin sya alam kong wala na sya sa banyo kaya papunta ako sa mga rooms ngayon ng may makita akong lalaking nag lalakad nakayuko at puro dumi ang uniform pero alam ko kung sino yun kaya pinuntahan ko sya.

"kookie ikaw bayan?" Tanong ko kay Jungkook kahit alam ko ng sya yun. Di nya ako sinagot at nanatiling yumuko katapos makita ang mukha ko.

"Ok ka lang?" Nag aalalang tanong ko sakanya.

"Wag kang mag pangap na wala kang alam!" Galit na sabi nya sa akin sa mababang tono.

"Ano bang pinag sasabi mo Jungkook?" Naguguluhang tanong ko sakanya, tinitigan na nya ako finally  pero nabigla ako sa mga luhang tumutulo sa mata nya. Di awa ang naramdaman ko parang nasaktan din ako dahil lumuluha sya.

"Ayoko na Taehyung itigil na natin ang kontrata" sabi nya habang tuloy tuloy ang pag tulo ng luha nya na alam kong ako ang dahilan.
Di ako napakali dahil sa sinceridad at sa katotohanang alam kong di ko kaya pag wala sya.

"Bakit?" Tanong ko. Habang yung kamay ko e nasa buhok ko na iistress ako dahil sa sinabi nya.

"Di ko na kaya Taehyung ang hirap. Akala ko ok na tayo pero nagawa mo parin to kaya ayoko na itigil na natin to!" Pag mamakaawa nya sa akin. Pero di naman ako ang may gawa nyan sa kanya. Di ko na kayang gawin yan sakanya. Sisiguraduhin kong mananagot ang may gawa nyan.

"Wag naman ganito oh. Di ako ang may pakana nyan Jungkook maniwala ka sa akin. Akala ko ba di moko iiwan?" Wala nakong pakialam kung nag mukha akong kawawa sa mata nya lang. Di ko lang kayang mawala sya. Oo alam kong konting panahon ko palang sya kasama kumpara sa 14 years pero mas something sa kanya at yun ang pag papakatotoo nya sa sarili nya at magaan ang luob ko sakanya.

"Di naman kita iiwan pero mas sasaya ka sakanya!" Sabi nya at tumakbo na at iniwan akong tulala at naguguluhan dahil sa last word nya. Kanino ako sasaya? Kung sya lang ang dahilan kung bakit ako masaya.

After that day nag punta nalang ako sa Bar at nag pakalasing. I guess the Old Taehyung will back again.

_________________________________________________
A/N: nandyan na yung bagyo keep safe everyone 😘

When the BADBOY FALL INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon