Chapter 16

1.1K 29 3
                                    

Junkook's POV

"KUMUSTA NAMAN YUNG SHOW NYO KANINA DOON. KYAAAAA" tili ni Jimin. Nandito kami ngayon sa apartment ni Jin gaya nga ng sabi nya ng minsan kailangan ko DAW mag kwento kung ano ang nangyari sa akin at naging ganito ako. Pero akala ko dun kami mag start pero dahil sa kagagawan ni Taeyhung. Ayan nag sisikiligan sila. Nag sisigaw sila na parang walang bukas. Hayyyy.

Bakit nag bubuntong hininga ako? Ah basta!

"Sana gawin din yun ni yoongi sa akin." Nag dadaydream na sabi ni Jimin. Buti nalang naka set yung cam ko na vivideo sila ngayon. Papakita ko sa mga jowa nila bwahahaha.

"Oo kung gagawin sakin ni namjoon yun naku bibigay ko yung virginity ko sakanya" namula ako dahil sa word na virginity naalala ko nung hinalikan ako kanina ni Taeyhung pero arggggh. Nakakainis.

"Manahimik nga kayo di nyo kasi alam ang nangyari pag katapos nun!" Galit na sabi ko at humiga sa kama. Nasa kwarto kami ng apartment ni Jin nakaupo sa kama. Kaya humiga ako.

"Ano bang nangyari?" Sabay nilang tanong. Once again nag buntong hininga ako.

-Flashback-

After nung 'show' kuno na ginawa nya. Naka ngiti nyakong hinila sa backstage at agad din nawala yung ngiti nya sa labi nya nung kaming dalawa lang. Parang may kumirot sa puso ko dahil dun.

Pinunasan nya agad yung labi nya at tinignan ako sa mata. "Wag mong bigyan ng halaga yung sinabi ko kanina at yung pag halik ko sayo" sabi nya habang pinupunasan yung labi nya. May virus baka at kung maka punas sya wagas?

Dahil sa galit ko nag punas din ako ng labi ko at pinakita sa harap nya na parang nasusuka ako. Katapos kong gawin yun. "Yuck mag toothbrush ako ng sampung beses mamaya at bibili ako ng malaking mouth wash at uubisin ko yun!" Sabi ko at umalis na nag walk out ako pero di natuloy yun dahil hinawakan nya yung wrist ko.

"Bakit ka nagagalit?" Tanong nya sakin. Inalis ko yung pag kakahawak nya sa kamay ko.

"Aba sino bang hindi? Ikaw yung humalik kung maka asta ka parang nandidiri ka!" Sabi ko at nag walk out ulit pero this time di nya ko pinigilan.

-end of flashback-

"Oh ano kinikilig pa kayo ha?" Sarcastic na tanong ko sakanila. Nakakaasar kasi lalo na tuwing naalala ko yun. Sya pa talaga yung may ganang mag punas ng bibig nya.

Tinignan ko sila nung hindi nila ako sinagot. Tumingin kasi ako sa malayo katapos kong sabihin yun.

Nag taka ako sa mga reaction nila kaya nag taas ako ng kilay.

"Woow ikaw ba talaga yan Jeon Jungkook?" Jimin

"Di ka ba nilalagnat?" Jin hyung at hinawakan ang pisngi ko. Inalis ko nga yun.

"Ano ba hyung ok lang ako" sabi ko ng galit.

"Wooooooh" mangha nilang sabi. Hay may weirdo talaga akong kaibigan.

"Ayst kwekwento ko na nga nung iniwan nyoko. Actually nung iniwan ako ni Jimin hyung" sabi ko.

"Wait kuha lang ako ng popcorn" sabi ni jin at lumabas ng kwarto. Tumayo din si jimin "kukuha akong tubig at tisue" sabi nya at lumayas na. Hayyyy mga loko talaga.

Nauuna kaming iwan ni Jin hyung kasi sinama sya sa America ng magulang nya at duon na nag aral. Sabay ko lang syang nag pa transfer ng school dito at classmate sya ni Jimin hyung.

"Ito na yung popcorn" sabi ng kakapasok lang ni jin at inilapag din ito sa sahig kaya bumaba ako sa kama para duon umupo sumunod naman si Jimin na may dalang tubig at coke at umupo na din.

"So ano nga?" Excited na tanong nila at kumakain na ng popcorn. Kumain din ako.

"Ganito yan. Nung umalis na si Jimin hyung ako nalang mag isa. So nung nalaman yun mas binully ako. Dahil sa alam nyo na. Di ako makalaban at sobrang inosente ko nun na di makalaban araw-araw may pasa ako. Buti di nakikita ni mama yun. Pero one time napansin nya ito at tinanong ako."

"Anong tinanong?" Putol sa akin ni Jimin hyung tinignan ko sya ng masama.

"Patapusin mo muna ako!"sabi ko at kumuha muna ng popcorn at uminom
"Yung nga tinanong nyako
Kung saan ko ba daw yun nakuha? Bakit pinapabayaan ko ang sarili ko. Bakit hinahayaan ko lang sila. Umiyak nga sya sa akin nun ee.

Kaya after non sinubukan kong lumaban pero nabigo ako dahil di ko pala sila kaya. Napahiya ako ng sobra nun, pinahiya nila ako nun. That time naisip ko dapat di ako nag padalos dalos kaya ang ginawa ko i secretly enrolled in taekwondo class at naging black belter. Habang nag aaral ako ng self-defence laht ng paraan ginawa ko para iwasan sila nagtagumpay naman ako."

"Oh tapos?" Excited na sabi nila habang kumukuha ng popcorn.

"Wait lang hihinga lang ako" sabi ko at uminom ng tubig.

"Yung nga nag aaral nga ako ng taekwondo.Nung natapos nakong mag aral ng taekwondo at naging black belter pa di na ako nag tago at di na din natakot then one time nakita nila ako akala siguro nila magagawa pa nila yung nagawa nila dati sa akin pero mali sila dahil nakalaban nako ayun at tinigilan nila ako. Di ko naman agad sila bunugbog hahaha. Pinakiusapan ko muna sila na itigil na yun pero wala e pinilit nila ako. Pero kahit anong galing ko sa taekwondo takot parin ako. Takot parin akong isang araw maulit uli yon. Isang araw di ulit ako makalaban. Isang araw mapahiya nanaman ako. Kaya natatakot ako lalo na ngayon kay KIM TAEHYUNG di ko alam kung bakit. Kasi baka masaktan nanaman ako. Kotang kota na ako sa mga bullies" pag tatapos ko sa kwento ko ng may ngiting malungkot. Inakap ako nila hyungs.

"Ok lang yan kookie di namin hahayaan mangyari ulit sayo yun" sabi ni Jin at hinahalo yung likod ko.

"Tama dito na kami di ka namin iiwan" sabi  ni Jimin natuwa naman ako dahil duon. Pero being me tinulak ko sila sa pag kakayakap sa akin.

"Nakakadiri kayo!" Sabi ko ng galit pero alam nilang pabiro yun.

"Choosy kapa! Pasalamat ka inaakap kapa" jin

"Baka gusto si TAEHYUNG lang yung nang aakap sakanya" jimin. Namula ako dahil dun.

"Naku Jungkook masyadong napaghahalataan!" Sabi nila parehas at sabay na tumawa.

"Heh! Manahimik na nga kayo!" Sabi ko.

Masaya ako dahil may kaibigan akong gaya nila. I could not ask for more 😊

_____________________________________
A/N: dahil di ako pinapasok sa school. Ayan tadaaan. Nakapag paload at nakapag update na 😂😂

Nakakatamad ng pumasok mamaya pero kailangan. Mag activity kami

When the BADBOY FALL INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon