Chapter 12

1.3K 39 0
                                    

Jungkook's POV

"Bakit ka umiiyak?" Tanong nya sakin.

At may gana pa syang mag tanong. Lumapit ako sakanya at pinag hahampas sya sa dibdib nya. Wala akong pakialam kahit masaktan sya wala akong pake.

"Pano kung na aksidente tayo dun? *Hiccups* pano yung mama ko? *Hiccups* ako nalang ang meron sya alam mo ba yun?" Halos mabilaukan nako dahil sa iyak pero bakas parin sa boses ko yung galit ko sakanya at sa pag tuloy ng pag hahampas ko sa dibdib nya.

Bigla naman nya akong niyakap kaya natigil ako sa lahat ng ginagawa ko at nanlaki ang mata ko.

Inakap lang nya ako ng mahigpit at hinagod ang ulo ko na senyales na parang pinapatahan nyako.

"Di ako nag sosorry pero ok lang umiyak sige!" Dahil sa sinabi nyang yan kuso nalang tumulo yung luha ko ulit at hinayaan syang yakapin ako. Kahit sya yung dahilan kung bakit ako ganito.

Umiyak ako kasi natakot talaga ako lalo na sa mama ko. Kami nalang dalawa kaya todo ingat ako sa sarili ko.

After 5 minutes humiwalay sya sa pagkaka yakap sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko tska pinunasan ang luha ko.

*Dug, dug dug* waaaaah bakit namumula ako dahil sa ginawa nya.

"Tara na" sabi nya at sumakay na sya sa motor kaya sumunod ako. Yumakap ako sa bewang nya at pina andar na yung motor pero this time mas mabagal na na syang nag panatag sa kalooban ko.

Tumigil kami sa isang mansyong bahay. Di ako exage mansyon talaga sya. Parang pinatingin nya yung mukha nya sa machine at ilang sandali lang ay bumukas na ang pinto ng gate na lalong nag pa nganga sa akin. Wooow.

"Ang ganda" manghang sabi ko. Narinig ko naman syang tumawa.

"Kay mama ito. Araw araw nya itong inaalagaan. Ito ang kasiyahan nya" sabi nito.

"Parehas kami" sabi ko ng di naalis yung ngiti sa labi ko  at iniikot yung paningin ko. Pwera biro sobrang ganda talaga. Sarap mag apply ng hardinero dito? Matanong nga kay Tae.

"Taehyung pwedeng mag apply ng hardinero sa inyo?" Seryosong tanong ko pero tinawanan nya lang ako.

"Nope di pwede. Pero mamaya lalakad tayo dyan kung gusto mo" sabi nya na nag pa ngiti sa akin.

"Pangako mo yan ah." Sabi ko sakto naman na nasa parking lot na nila kami sa malaking parking lot.

"Oo kaya tara na" sabi nya at naglakad na. Sumunod ako agad sakanya na namamangha dahil sa ganda ng tirahan at laki nito.

"Wait lang tae. Baka maligaw ako" sabi ko nung nakitang medyo malayo na sya sa akin. Tumawa sya pero hinintay din nya ako. Pansin ko lang madalas syang tumawa at masaya ako dun. Ang sarap nyang pag masdan habang tumatawa sya.

Huminto kami sa malaking pinto pagkatuntong palang ni taehyung sa harap nito nag bukas na agad yung pinto.

"Good afternoon young master and young master friend" sabi ng mga maid nya na ikinagulat ko.

" Yeah what ever." Sabi nito at hinila na ako. Nag bow nalang ako sakanila at nag pahila na sakanya.

Nag punta kami sa kwarto nya na kasing laki na ng bahay namin pero kwarto nya pa lang ito.

"Mangha masyado" pang aasar nya sakin tinignan ko lang sya ng masama. Nag senyas sya sa akin na umupo sa isang upuan malapit sa desktop nya. May dalawang upuan dun.

"Upo ka muna dun palit lang akong damit" sabi nya at pumasok na sa pinto ng kwarto nya. Di kaya sya napapagod dito.

inilibot ko ang paningin ko sa kwarto nya. Black and White yung them nya kaya ang astig. Tumingin ako sa bedside table nya may tatlong picture frame duon kaya lumapit ako.

When the BADBOY FALL INLOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon