Jungkook's POV
Pauwi nako galing kina Jin Hyung sabado ngayon at wala kaming pasok buti naman. Kaya agad akong umuwi 7:00 palang ngayon para matulungan ko si mama na mag luto sa canteen nya. Tapos after non sa mga partime Job ko namang.
Ilang sandali lang narating ko na yung bahay namin malapit lang kasi ito sa bahay nila Jin.
"Ma nandito na po ako" sigaw ko pag pasok sa bahay at hinanap si mama nasa kusina ito kaya pinuntahan ko sya. "Oh anak nandito ka na pala. Kumusta ang pag tulog kina Jin?" Tanong ni mama sa akin ng naka ngiti.
Niyakap ko si mama at niyakap nyako pabalik. "I miss you ma" sabi ko habang nakayakap sakanya naramdaman ko naman na ngumiti sya.
"Naku yung anak ko nanglalambing sa akin. Oh sya mamaya nalang ito at madami pa kong gagawin" sabi ni mama at nag hiwalay nakami sa pag yayakapan namin. Nginitian ko sya ng pag katamis tamis. " Tulungan na po kita bago po ako pumunta sa kaklasi ko para po gumawa ng project" Lies. Tuwing sabado nag sasabi ako ng kung ano anong gagawin sa school para makapag trabaho lang. Call center naman ako pag sabado at lingo. Halos 10 hours din kasi yun. Kaya pag umalis ako ng 9:30 makaka uwi ako ng 7:00 pm nun. Malaki kasi yung sahod dun kaya sinasagad ko sya hanggang 9pm para may over time
"At saan naman yan?" Tanong ni mama at nag simula na ulit manghiwa ng mga gulay.
Kumuha ako ng isang kutsilyo at isa ding tagnan at tinulungan na syang mang hiwa. "Di pa po alam ma. Malalaman ko pa lang po mamaya" sabi ko habang nang hihiwa. Wala kasi akong maisip na lugar baka puntahan nya.
"Ganun ba anak. Mag iingat ka ha" sabi ni mama. Tinigil nya yung pag hihiwa at tinignan yung nakasalang na nilulutu nya.
"Opo" sabi ko nalang at pinagpatuloy na yung gagawin namin. After 1 hour at 8:30 na natapos nanamin yung pag luluto namin.
"Salamat anak" sabi ni mama sa akin ng naka ngiti.
"Wala po yu~" di ko natuloy yung sasabihin ko dahil bigla akong napahawak sa ulo ko nakita yun ni mama kaya nilapitan nya ako agad.
"Anak ok ka lang ba? Anak" sabi ni mama na nag aalala sa akin. sasagutin ko sana sya kaso everything went blank.
__________________________________________________
"Wala ng mag mamahal sayo!" Sigaw ng pamilyar na lalaki sa akin.
"Lahat iiwanan ka tignan mo nalang wala ka na ngang tatay iniwan kapa ng mga kaibigan mo" sabi ng isa at napuno ng tawanan.
"Hindi Totoo yan" sigaw ko habang patuloy lang sa pag agos ang luha ko.
"Walang mag mamahal sayo Jungkook. Lahat iiwanan ka lang" Nag tawanan nanaman sila at iniwan akong mag isa na naluluha.
"Hindi totoo yan!" Bulong ko ng paulitulit.
"Hindi totoo yan" sigaw ko ng malakas at na imulat ko ang mata ko.
"Anak ok ka lang?" Tanong ni mama at niyakap ako kusa nanaman tumulo ang mga luha ko.
Tinignan ko ang paligid ko dahil puro puti ito.
"Mama bakit po tayo nandito" tanong ko at humiwalay sa pag kakayakap kay mama para punasan yung luha ko. Nag balik nanaman ang mga panaginip ko na dati ay tumigil na.
"Anak. Diba sabi ko sayo wag ka ng mag trabaho at si mama na ang bahala" sabi nito sa akin at nang laki ang mata ko.
"Pero ma di~" pinutol nya yung sasabihin ko.
"Alam ko Jungkook. Anak kita at alam ko ang mga ginagawa mo. Ang pag late mo ng uwi. Hayaan mo nalang si mama pls. Ayokong magkakasakit ka ulit ng ganito" sabi ni mama at umiyak sya sa harap ko. Niyakap ko sya at tumulo nanaman ang luha ko.
"Sorry po mama ayoko lang pong nakikita ko kayong nahihirapan ng dahil sa akin" sabi ko humiwalay si mama sa yakap.
"Ano kaba Jungkook hindi ako mahihirapan lalo na kung sayo. Wag mong isiping nahihirapan ako dahil hindi ako nahihirapan" seryosong sabi nya.
"Opo mama sorry napo." Sabi ko ng naka yuko.
*Tock tock* (a/n: ang epic ng sounds effect haha katok po yan sa pinto)
Pag katapos nung katok bumukas yung pinto. At iniluwal nito si Taehyung. Kaya tinignan ko si mama.
"Tumawag sya kanina at sabi ko andito ka." Paliwanag ni mama sa akin. Lumapit naman si Taehyung.
"Good afternoon po mrs Jeon" bati ni taehyung kay mama at nag bow dor respect.
Lumapit na si Taehyung sa akin.
"Oh sya. Iwan ko muna kayo at bibili lang ng pag kain" sabi ni mama at lumabas na kaya naiwan kami ni Taehyung dito.
"Kumusta kana?" Tanong ni Taehyung sa akin at pinatong yung basket of fruit na dala nya sa side table ng hospital. Mukhang private to ah.
"Wag kang mag alala ako ang nagsabi sa mama mo na dito ka nalang muna habang nag papagaling ka" explain nya na para bang alam na yung katanungan sa isip ko.
"Di mo naman kailangan gawin yun" sabi ko at tumingin sa ibang direction. Diko padin nakakalimutan yung pag kuha nya ng first kiss ko.
"Sorry sa nangyari nung isang araw" sabi nya nilingon ko lang sya sandali at nag baling nananaman ng tingin.
Hinila nyako at hinalikan sa labi. Pero di katulad nung isang araw di na nya pinunasan yung oabi nya bagkus dinilaan nya pato. Napatulala ako dahil dun.
"Sorry na. Bati na tayo" sabi nya at umupo sa tabi ko. Naka upo ako kanina nung niyakap ko si mama.
Pinagkikilit nyako "ihh bati na kami nyan. Papatawarin na nyako" sabi nya habang kinikiliti ako. Tawa lang ako ng tawa, hinawakan yung kamay nya at hinarapan sya ng naka ngiti nag katitigan naman kami at parang parehong tumigil yung mundo namin.
Ilang sandali pa nung nagkakalapit ang aming mukha lumayo ako " oo na bati na tayo kainis ka!" Sabi ko at itinulak sya sa dibdib. Pag katapos nun biglang bumukas ang pinto at pumasok si mama na may dala ng pag kain.
________________________________________________
BINABASA MO ANG
When the BADBOY FALL INLOVE
FanfictionHe's a badboy and I' m one of his bully. And i hate him to death. But what if he fall in love with me? can i return it? or i get my revenge on him by breaking his Heart? find out. badboy Top: Tae bullied Bottom: Kook