Jungkook's POV
"Bat tayo nandito?" Tanong ko kay taehyung. Nasa beach kai gayon dito nya ako dinala nung hinila nya ako. Naglalakad kami ngayon at nauuna sya sa akin.
"Wag kang mag-alala ihahatid kita mamaya" walang buhay nyang sabi at huminto sya sa paglalakad at umupo sa buhanginan kaya ginaya ko sya at umupo sa tabi nya. Ang awkward ng atmosphere promise. Wala kasing nagsasalita sa amin kaya nababalot kami ng katahimikan at tanging hampas lang ng tubig at alon aming naririnig, isabbay mo na din ang medyo malakas na hangin kahit maiinit. Kami lang kasi ang nandito ngayon.
Nabasag lang ang katahimikan nung nagsalita sya. "Gusto mo bang malaman yung kwento namin ni vannesa?"- tanong nya sa akin kaya tinignan ko sya. Sasabihin ko ba yung totoong alam ko na o hindi
" Sinabi na saakin ni jin hyung " pag sasabi ko ng totoo at napayuko ako dahil duon.
"Alam ko, sabi nya na first year HS ko sya nakilala right?" Tanong nya sa akin pero sa malayo ang tingin nya. Nakatingin sya sa dagat. "O- oo" nauutal na sabi ko ewan ko ba kung bakit. "Di mo pa alam ang lahat i kwe kwento ko sayo." Sabi nya at bumuntong hininga ng malalim. Tinignan ko ulit sya. Naninibago ako sakanya.
"Grade school palang kilala ko na sya. Actually crush ko nga sya nun" pagsisimula ng kwento nya. Nagulat ako dahil magkakabata sila pero mas nagulat ako sa mga ngiting nakikita ko sa mukha nya.
"Kami nila hyung nun magkakasama Na. hanggang sa naging close kami. Lalo akong naging bibo nun. Gusto ko laging pumasok sa dahil alam ko makakasama ko sya. Elementary same school parin kami at magkaklasi ulit kaya sobrang saya ko nun. Lalong nahuhulog ang luob ko sakanya dahil nakikita ko sya lagi. Ang cute nya at mukha syang anghel lalo na pag busy sya at sobrang focus nya sa study. Habang tumatagal ng tumatagal naging bestfriend ko na sya mas close ko nga sya nun kesa kina hyung haha.
Hanggang isang araw grade 5 kami ipinagtapat ko na sakanya yung nararamdaman ko, at di ko akalain na perehas lang pala kami kaya sobrang saya ko nun, nag paalam ng din ako sakanya kung pwede ko syang ligawan at pumayag naman sya. "
Di ko alam kung matutuwa ba ko sa mga ngiting nakukikita ko sa mukha nya o masasaktan dahil sa mata nyang nababalot ng kalugkutan at mga luhang nagbabadyang kumawala dahil sa pagbabalik tanaw nya sa ala ala nila.
"Sobrang saya ko nung mga panahong yun, araw - araw hatid sundo ko sya sakanila, Lagi ko syang binibigyan ng flowers sa umaga, sinisigurado kong lagi kaming sabay kumain at nasa maayos na kalagayan sya. Graduation na at manliligaw parin nya ako. Napag usapan namin na sa university kami ni dad papasok ng Grade 7. That night after our graduation was the best moment of my life dahil finally matatawag ko ng akin ang taong pinakamamahal ko.
Kung dati bibo ako pag kasama sya nung sinagot nyako mas naging masiyahin ako. Years passed na sobrang saya namin, oo may konnting tampuhan at away pero di nauuwi sa break-up."
Habang nag kwekwento sya nakatitig lang ako sakanya ung pag babago ng facial expression nya at lahat lahat na.
"Naalala ko pa ang madalas naming pag awayan nun ay selos . Shempre gwapo ako habulin ng girls. Pero wala akong pakialam sa mga yun dahil sya lang. Junior HS dahil siguro matured na kami napag- uusapan na namin ang yung kasal, kung ilan anak ang gusto namin at kung anong pwdeng mangyari sa future namin. Hanggang sa Senior HS ito ang naging pinaka ng buhay ko."
Ayung may tumulo ng luha sa mata nya. Masakit nga siguro ang pinagdaanan niya. Nakikinig lang ako sakanya.
"Unang semester ng taong yun inuumpisahan na naming gawin ang mga pangarap na magkasama din naming binuo nung Junior HS , Nag dedesign na kami ng bahay na titirhan namin at ang aming anak, nag papartime na din ako sa company ni dad para makapag ipon para sa future namin pero, Second sem. Bigla nalang syang nag bago sa akin at nawawala ng pauti unti yung babaeng mahal ko"
This time tuloy tuloy na ang luhang pumapatak sa mukha nya kung may magagawa lang sana ako. Mahal nya talaga si Vannesa
"Diko alam kung bakit o paano pero bigla nalang syang naging cold sa akin. Pilit kong inaayos ngunit wala talaga lahat na ginawa ko wala parin, pinaramdam nya sa akin na gusto na nyang bumitaw pero diko sya binibitawan, hanggang isang araw pag gising ko nakatangap ako ng text galing sakanya na nag sasabing wala na sya sa bansa at nasa mama na nya sa canada. Sorang sakit dahil biglaan ang nangyari, ni hindi ko man lang alam ang dahilan nya kung bakit nya ako iniwan ng basta basta at hinayaan nalang masayang ang halos 14 years naming pag sasama "
Tumayo sya kaya ganun din ako nakatalikod sya sa akin kaya di ko sya makita. Ibinaling nya ang ulo nya sa akin " kaya mula noon ayoko ng mag mahal, ayaw ko ng iniiwan ako"
Ewan ko ba kung ano ang meron sa akin at bigla ko syang binackhug "di ako mangiiwan, kahit katapos ng kontrata ko pwede naman akong maging kaibigan mo " sabi ko sakanya .
"Talaga?" Tanong nya sa malunkot na boses diko kasi sya makita dahil natatakpan sya ng sinag ng araw.
Umalis ako sa pagka buck hug sa kanya at biglaan syang tinulak sa dagat "ang drama mo" sabi ko at humagalpak ng tawa dahil sa itsura nya. "A ganon" sabi nya ng may nakakalokong ngiti parang alam ko na to ah. Lumayo na ako ng konti "subukan mo" sabi ko sabay labas ng dila at takbo. Di pa man ako nakakalayo nung naabutan na nya ako at inakap patalikod iniaangat nyako sa lupa at pinag iikot tawa lang kami ng tawa sa kabaliwan namin .
Tinigil nya ang pag iikot at inihagis ako sa tubig dagat "yah!" Sigaw ko sakanya at tinignan sya ng masama pero nawala din ito ng makita ko ang mga ngiti at tawa sa mukha nya. ' mas gusto ko ang Taehyung ngayon' biglang nasabi ko nalang sa sarili ko.
Pinuntahan nya ako sa pwesto ko pero di sya pero di sya nakalapit dahil i splash the water a cross his face. Tawa ako ng tawa dahil sa ginawa ko at dahil na din sa itsura nya. " Ganyan pala ha" sabi nya at ginantihan ako kaya nag gantihan kami sa pag splash ng tubig tawa lang kami ng tawa hanggang sa.
"Aray" daing ko napalakas kasi yung pag splash ng tubig sa akin kaya tumigil muna kami
"Bakit? Sobrang lakas ba? Tara duon tayo" bakas sa boses nya yung pag alala at halata nga dahil agan na nasa harap ko na sya at inaalayan na ako.
Pag dating namin sa pangpang inihiga ko sya sa buhangin at pumaibabaw sakanya "got ya!" Sabi ko at tumawa ng tumawa dahil sa nakita kong inis sa mukha nya pero.
Pinag change position nya kami kaya sya yung nasa ibabaw ko. Nagulat ako dahil wala ito sa plano ko.
"Ikaw! Anong trip mo?" Sabi nya habang nakatitig sa mukha ko. Ako naman di makasagot dahil sa gulat kaya nag kakatitigan kami at unti unting naglalapit ang aming mukha tapossss......
________________________________________
BINABASA MO ANG
When the BADBOY FALL INLOVE
FanfictionHe's a badboy and I' m one of his bully. And i hate him to death. But what if he fall in love with me? can i return it? or i get my revenge on him by breaking his Heart? find out. badboy Top: Tae bullied Bottom: Kook