Part XII

340 13 0
                                    

Aeroll's Point of View

Hindi na kami nag tanong kay Alexia kahit naguguluhan kami. Pinakinggan na lang namin yung plano niya. Tutulungan daw namin yung lalaki habang siya ay tyetyempo sa pagdating 'DAW' ni Professor at nang mahuli niya daw ito agad. Di namin masyadong magets yung plano niya. Basta sinunod na lang namin kung anong pinapagawa niya.

Nakipaglaban kami sa kanila tapos tumakbo yung lalaking binubugbog nung sumugod narin ang kalaban sa'min. Napapatumba na namin sila pero pinipilit parin nilang tumayo at lumaban samin.hg

Alexia's Point of View

Sinabi ko dun sa dalawa ang plano ko, pero kahit alam ko na naguguluhan sila ay sinunod parin nila ako. Nagmamasid ako sa kapaligiran.
Hirap na tumakbo yung lalaking binubugbog at hinahabol parin siya nung isang kalaban. Tumingin ako sa dalawa pero hindi nila napansin na may kalaban na humahabol dun sa lalaki. Kaya no choice, Hinabol ko yung kalaban pero agad itong nag labas ng panaksak.
Sinipa ko yung panaksak niya kaya tumalbog iyun, sinuntok niya ako at gumanti naman ako agad ng madaming suntok sa kanya. Nahagip ng mata ko yung lakaking nakaitim.

"Mr. Lee!"
Bulong ko.

Pagtingin ko sa likod ko madaming nakalutang na matatalas na mga bagay, na kinontrol nitong kalaban ko para patayin ako, nakita ko namang nakatingin sina Arice at Aeroll sakin na waring naguguluhan din.

Aatake sakin yung mga matatalas na bagay pero lumihis iyun at tumama sa kung saan-saan. Napatingin ako dun sa nakaitim at siya nanaman ang nagligtas sakin.

Nawalan ng malay lahat ng nakalaban namin at biglang naglaho na parang bula. Nakita naman naming wala ng malay yung lalaking binugbog dahil sa mga sugat at dugong nawala sa kanya.

Arices Point of View

Pagkatapos naming labanan ang mga kalaban hinanap namin si Alexia. Agad naming nakita ang mga nakalutang na matatalas na bagay sa likod ni Alexia. Tiningnan ko kung saan siya nakatingin sa harap.

"TEKA! SINO YUNG NAKAITIM!?"
Naguguluhang tanong ni Aeroll.

Naguguluhan din ako. Pero parang hindi kalaban yung nakaitim.
Wala ng malay yung binugbog na lalaki. Mas lalo kaming naguluhan nang makita namin yung mga kalaban na biglang naglaho. Tumakbo yung nakaitim at hinabol ito ni Alexia. Tumakbo rin naman kami.

"Tulungan mo si Alexia, kailangang madala agad sa Hospital 'tong lalaking 'to!"
Mabilis namang tumango si Aeroll habang tumatakbo para sundan si Alexia.

Alexia's Point of View

Hinabol ko kaagad yung nakaitim. I need to find out kung si Mr. Lee nga ba talaga siya at anong kinalaman niya sa mga legend story niya na naging laman ng panaginip ko. Mabilis siyang bumaba ng hagdan kaya katulad ng nasa panaginip ko, tumalon ako mula taas hanggang sa kung saan siya nakapwesto. Nadag-anan ko siya agad kasabay ng paghawak ko sa kanya. Iniharap ko siya at mas lalo pa akong naguluhan nang makita ko kung sino ito.

"KYLE?"

-FLASHBACK-

Lagi ako sa park nung bata pa ako. Habang papunta ako sa park nag Short cut ako sa may iskinita at diko alam na meron pala dun na limang aso. Nanginig ako sa takot.

'Chu! Chu! Chu!'
Tawag nung lalaki. Maamong lumapit sa kanya yung limang aso na lalamon sana sakin. Lumapit sakin yung lalaki.

"Okay ka lang? Pag pasensyahan mo na yung mga aso na yun."
Paliwanag niya.

"Saa--in-nyo ba yu-ung aso?"
Pautal-utal na tanong ko.

"Hindi!"

Huh? Hindi sa kanila yun? Paano niya napaamo agad nang ganun-ganun lang? Nakatitig lang ako sa kanya. Tumakbo na siya palayo habang sinasabi ang pangalan niya.

"I'm kyle!"

*FLASH BACK*

Naglangoy kami sa dagat kasama ng mga pinsan ko.

"Wag kang masyadong lumayo Alexia!"
Sigaw nung nakatatanda kong pinsan. Madami rin kasing nag lalangoy at baka hindi ako makita.

Nasa tabi lang ako pero dinala ako ng tubig sa malalim. May naramdaman akong humila sa paa ko na naging dahilan ng paglubog ko. Hindi ako nakita ng mga pinsan ko pero may humawak sa kamay ko na siyang nag dala sakin sa babaw.

"Sa uulitin wag kang masyadong pumunta sa malalim."
Sabi niya.
Lumangoy na siya palayo pero sumigaw siya.

"HEYY!!"
Tumingin naman ako.

"I'm Kyle!"

——— END OF FLASHBACK ———

"KYLE?"
Naguluhan talaga ako pero hindi ko pinalamapas ang pagkakataong nahuli ko na siya.

"WHO ARE YOU?"
Sigaw ko, hinawakan ko siya sa likod at itinayo ito.

"I SAID WHO ARE YOU!!!"
Pangigigil kong tanong.

"Sinabi mo na diba?"
Sarcastic niyang sagot.

"Sasagutin mo ng maayos o papatayin kita?"
Nakakatakot kong paliwanag with my killer Eyes.

"ALEXIAA!!"
Napatingin ako dun sa sumigaw, si Aeroll pala na nakatingin samin .

Aeroll's Point of View

"ALEXIAA!!"
Sigaw ko sa kanya, tumingin naman siya sakin.

"Asan na? Hindi mo nahabol?"
Bakit kaya nakatayo lang siya dun?
Tumingin siya sa harap niya na parang nagtataka.

"HE'S RIGHT HERE!"
Sagot niya sakin.

"'ASAAN? NO ONES THERE!"
Nilapitan ko si Alexia.

"Sino yun? Namukaan mo?"
-Ako

"Nandito na siya. Nahabol ko siya. pero---"
Tumingin tingin siya sa paligid.

"---Hindi ko alam kung bakit biglang nawala."

Princess Tale (UNDER EDITING- NEW SCENES, PLOTS, CHARACTERS, and TWISTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon