Adonis' Point of View
Ilang araw na nakakalipas naging maayos ang Mundo ng Misteryo. Nawala ang sumpa. Ang mga sibilyan ay bumalik sa dating anyo.
Si Cristelle ay naging isang inosenteng tao. Hindi nya alam ang lahat ng nangyari sa kanya marahil ay dahil na rin sa itim na mahika na isinalin sa kanya ng kaniyang Ina. At isa pa hinipnotized ito ni Prinsesa Crystal/Alexia. Hindi rin siya nakakulong at katunayan, siya ang ginawang kanang kamay ng Prinsesa.
Iba talaga ang Prinsesa, kahit alam niyang sinaktan na siya. Ayos lang sa kanya. Kasi hindi nya tiningnan ang pagkakamali ng isang tao, kundi tumitingin siya sa magandang side nito.
Hindi niya rin tinitingnan kung anong ginawa mo, tinitingnan nya ay kung anong magagawa mo. 'Di niya tinitingnan ang panglabas na anyo, ang mahalaga ay ang kalooban ng isang tao.
Pero, Ang Prinsesa. Alam namin na nalulungkot siya.
Kakatok sana ako sa kwarto nito pero napansin kong bukas ito. Sumilip ako sa loob at nakita ko ang Prinsesa sa balkonahe ng kwarto niya. Kumatok ako habang papasok. Kaya lumingon siya.
"Pasensya na kung naistorbo kita Prinsesa."
"Ayos lang, wala din naman akong ginagawa."
Lumapit ako sa kung nasaan siya, nakatingin siya sa buong kahariang natatanaw niya mula sa kanyang balkonahe.
"Tingnan mo ang mga tao oh! Masaya na sila, bumalik na sila sa dati. Kasama na muli nila ang kanilang mga mahal sa buhay."
Sabi ng prinsesa."At 'yan lahat ay dahil sayo prinsesa!"
Sagot ko sa kanya. Bigla siyang napatungo. Nakita kong tumulo ang mga luha niya. Ngunit umiwas siya.Alam ko ang nararamdaman niya. Nawala sa kanya ang kaibigan at pamilya niya, tapos kinalimutan siya ng taong mahal niya.
"Gusto kitang tulungan prinsesa, ngunit wala akong alam na paraan para maibsan ang yung nararamdaman."
Sagot ko."Salamat Adonis, I appreciated all of your efforts to ease my pain."
-Prinsesa"Adonis."
Si prince Kyle pala."Maaari ko bang makausap ang prinsesa"
Tumango na lamang ako at umalis. Tumingin ako kay Princess Crystal bago ako umalis.'There's always another way Princess, Find it! Nandito lang kami para sayo.'
Alexia's Point of View
abasa ko ang nasa isip ni Adonis, hindi ko siya maintindihan pero sana nga may paraan. Pinunas ko saglit ang luha ko.
"Alam ko ang nararamdaman mo Alexia!"
Sabi sa akin ng kapatid kong si Kyle."'Di ko ba sila puwedeng makita?"
Sabi ko."Hindi maaari Alexia, ikaw ang prinsesa, Nakadisenyo ka para sa kaharian. Kung pupunta ka sa mundo ng mga tao, hindi ka na muling makakabalik dito."
Biglang napaseryoso ang boses ko."Kung babalik ako sa mundo ng mga mortal, hindi na ako makakabalik dito?"
-Tanong ko"Oo Prinsesa! At mawawala ang kapangyarihan mo. Pati na rin ang lahat ng ipinundar ng kahariang ito at higit sa lahat, walang mamumuno sa'min, babagsak ang kaharian natin."
Seryosong sagot ni Kyle.
BINABASA MO ANG
Princess Tale (UNDER EDITING- NEW SCENES, PLOTS, CHARACTERS, and TWISTS)
FantasyA Girl who wanted to be love A Girl who wanted to be true A Girl who wanted to be herself And A Girl Who can Fight and do everything to put things right A Fearless Girl over her life full of lies. This is a story about an Imortal girl in mortal wor...