Mark's Point of View
Weeks later, nalaman ko ang nangyari kay Nathan kaya agad akong pumunta sa kung nasa'n siya.
Nandito ako sa Hospital. 'Di ako dapat mag tagal. Ayokong malaman nila ang katotohanan.
Lumabas ako agad. Pababa na ako sa Hospital ng makita kong paakyat naman si Arice. Nagmadali akong umakyat ulit.
Mabilis din na umakyat si Arice. Saan ba ako pupunta? Hindi niya ako puwedeng makita.
Arice Point of View
Kasalukuyan akong paakyat sa kuwarto ni Nathan. Ilang linggo na kasing walang pahinga si Alexia. Naaawa nga ako sa kanya eh! Ni hindi man lang namin siya natulungan nung mga panahong kailangan niya kami. Nalaman ko din ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Nathan.
Nakaakyat na ako sa third floor kung saan ang kwarto ni Nathan nang may napansin akong lalaki na tila kakaiba ang kilos. Palihim ko itong sinundan. Baka may balak ito kay Nathan.
Lumingon ito sa'kin. Isang familiar na lalaki.
Sinundan ko siya hanggang sa umuunti na ang mga tao. Lumingon siya ulit kasabay ng pagtakbo nito.
"HHHOOOOYYYY!"
Hinabol ko siya. Agad ko namang tinawagan si Aeroll."AEROLL! AT THE HOSPITAL! NOW!"
Mabilis na tumakbo yung lalaki hanggang sa wala na siyang matakbuhan. Huminto ito kaya agad kong binunot ang baril sa binti ko."WALA KA NG TAKAS! HANDS ON YOUR HEAD NOOWW!"
Sigaw ko sa kanya habang nakatutok ang baril. Dahan-dahan niya inilagay sa ulo niya ang mga kamay niya."SINO KA!? ANONG KAILANGAN MO? HARAP! HARAP!"
Sigaw ko pa.
Umikot siya ng dahan-dahan!*DUG DUG... DUG DUG... DUG DUG *
Bakit ganito ang tibok ng puso ko?
*DUG DUG... DUG DUG... DUG DUG... DUG DUG*
"CLARK?!"
Author's Point of View
"CLARK?!"
Nagulat si Arice sa nakita niya. Ang matagal na niyang hinahanap. Ibinaba niya ang baril."Arice! Magpapaliwanag ako!"
Sabi ni Clark dito. Tinutukan niya ulit to ng baril."Anong kailangan mo?! At bakit ka nandito?"
"Arice ibaba mo ang baril! Magpapaliwanag ako!"
Agad naman na dumating si Aeroll."Clark?"
-Aeroll"Arice anong ginagawa mo? Anong ginagawa mo dito Clark?"
"Mag papaliwanag ako!"
"SEGE CLARK..."
Nang gigigil na sambit ni Arice"...BIBIGYAN KITA NG ORAS PARA MA PALIWANAG! BAKIT HA? BAKIT MO 'TO GINAGAWA?"
"Wala akong kasalanan! Sandali lang!"
"KUNG WALA KANG KASALANAN, BAKIT KA NAGTATAGO?"
Humigpit ang hawak ni Arice sa baril nito. Pero 'di makapagsalita si Clark.
BINABASA MO ANG
Princess Tale (UNDER EDITING- NEW SCENES, PLOTS, CHARACTERS, and TWISTS)
FantasyA Girl who wanted to be love A Girl who wanted to be true A Girl who wanted to be herself And A Girl Who can Fight and do everything to put things right A Fearless Girl over her life full of lies. This is a story about an Imortal girl in mortal wor...