Part XXXXI

126 9 0
                                    

Master Asua's Point of View

The princess fainted. Dinala namin agad siya sa Kastilyo para gamutin ng mga Uyana, Mga magic Creatures sila na kasing laki lang ng hinlalaki, pero sila ang pinagkakatiwalaan ng mga Lux na pinakang doktor sa Mundo ng Misteryo.

Kausap namin ngayon ang mga Mortal na tao na kasama ng Prinsesa.

"Gustuhin man namin pero 'di kayo maaaring manatili sa mundo namin."
Sabi ko.

"Tama siya Aeroll at Arice. 'Di kayo puwedeng manatili sa maraming dahilan."
Sabi ni Prince Kyle. Nakikinig lang naman samin ang dalawa.

"Pag tumagal kayo dito, 'di na kayo makakaalis dito sa mundo ng Misteryo."
Sabi ko ulit

"Ako, okay lang, wala naman akong uuwian dun eh. Nandito naman si Alexia at baka puwede pa namang gawaan ng paraan."
Sabi nung Aeroll.

"Hindi yun ganun kadali Aeroll. Pag di kayo nakabalik. Mag kakagulo ang parehong Mundo. At isa pa pag di kayo nakabalik, mamatay din kayo agad, dahil hindi kaya ng kailangan niyong atmospera kumpara sa atmospera namin dito sa Mundo ng Misteryo."
-Prince Kyle

"Ayaw namin na mapahamak kayo at siguradong ayaw din yun ng Prinsesa. Kaya mahirap man tanggapin, pero kailangan!"
Sabi ng Anak kong si Adonis.

Napatingin sila sa nakahigang Prinsesa at kitang-kita sa muka nila ang lungkot at pagkahinayang. Nagising na si Princess Crystal.

"Alexia! Gising kana!"
-Sabi nila

"Anong nangyari?"
-Prinsesa

"Nahimatay ka, marahil ay dahil sa biglaang kapangyarihan daw na nilabas mo."
Biglang nag flashback lahat sa isip ni Princess Crystal ang nangyari kanina, tumingin siya sa'kin, kay Prince Kyle at kay Adonis na parang nag tatanong kung paano. Ayoko sanang sabihin. Pero kailangan.

"Hindi ko mailabas ang kapangyarihan ko, dahil sabi ng libro di'ko ito mailalabas kung mahal ako ng mortal. Pero paano nangyari yun?"
Nag tataka si Prinsesa Crystal habang hindi niya naiisip kung bakit nga ba! Naniniwala siya sa kanyang Akala!

"... dahil MAHAL KA PA NG MORTAL."
-sabi ni Prince Kyle

Napalingon si Prinsesa Crystal at tila ayaw bumuka ng kanyang mga bibig.

"A-aa-nong ibig mo sa-abi-ihin?"
-Princess Crystal

"Sinasabi niyo bang, Wa-ala na s-siya?"
-Dagdag nito

"Hindi prinsesa! Ang sabi ng libro 'Forget it will invade power. Love her will tease everything'."
-Adonis

Alexia's Point of View

Hindi ako makaimik sa mga naririnig ko. Makikita sa aking mga mata ang lungkot. Ayokong maniwala, pero paano kung iyun nga ang totoo? Tumingin ako sa kanila, pati si Aeroll at Arice hindi makapagsalita. Totoo nga ba?

"Hin-di... na-a niya a-ko maha-aal?"
Malungkot silang tumitig sa mga mata kong may tumutulo na luha. Niyakap ako ni Arice at Aeroll.

"Sorry Alexia!"
-sambit ng dalawa

*A LITTLE FAST FORWARD*

Makalipas ang ilang oras pag katapos nun, nag paalam na sa'kin sina Aeroll at Arice. Ipinaliwanag narin nilang lahat sakin ang dahilan kung bakit hindi sila pwedeng manatili.

"Sumama ka na samin Alexia!"
-Arice

"Mag-sisimula ulit tayo ng panibago!"
-Aeroll

"Gusto ko din, pero ito ang mundo ko! At dun ang mundo niyo! Kailangan kong manatili para sa kaligtasan ng mundong ito, pati narin ng mundo niyo, pati na rin sa kaligtasan niyo!..."
-Sabi ko
Bigla akong natulala at napatingin sa malayo.

"... Isa pa! Wala na'kong babalikan!"
-Dagdag ko pa.

Maya-maya rin ay binuksan na ang Unicus Portales, portal pabalik sa mundo nila. Isang matamis na ngiti na may kasamang lungkot ang naramdaman ko.

Pero...

Hindi talaga lahat ng bagay, mananatili sayo. Yung iba, aalis dahil kailangan. Yung iba naman, aalis kasi hindi ka na kailangan.

Princess Tale (UNDER EDITING- NEW SCENES, PLOTS, CHARACTERS, and TWISTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon